What's new

Daily Bread (November 25 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HUWAG MAGTANIM NG GALIT"
(Levitico 19:17-19)
“Huwag kayong magtatanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip, makipagkasundo ka sa kanya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. 18 Huwag(B) kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Ako si Yahweh.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang isang taong may sama ng loob sa ibang tao ay laging naninisi, negatibo, malamig ang pakikitungo sa kapwa, walang awa at hindi magandang kasama. Anumang kapahayagan ng ganitong mga katangian ay kasalanan sa Diyos; ayon sa laman at hindi ayon sa Espiritu ng Diyos (Galacia 5:19-21). "Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; 20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, 21 pagkainggit, [pagpatay paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.
Binabalaan tayo sa (Hebreo 12:15) na "Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasamâ ang iba." Hindi natin dapat hayaang lumalim ang "mapapait na ugat" sa ating mga puso; ang ganitong mga ugat ay magiging dahilan upang hindi tayo maging marapat sa biyaya ng Diyos. Kalooban ng Diyos na ang Kanyang mga anak ay mamuhay sa pag-ibig, kapayapaan, kagalakan at kabanalan — hindi sa kapaitan. Kaya nga, mga kapatid, bilang mga mananampalata dapat tayong magbantay.. ang mga mananampalataya ay lumalayo sa panganib ng kapaitan at sama ng loob. Kaya huwag po tayong magtanim ng galit at sama ng loob, kung may nakasakit sa iyo dumulog ka sa Dios at humingi ka ng kapayapaan sa Kanya
Ang biyaya at pagpapala ng Dios ay suamating lahat sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top