- Joined
- Sep 25, 2019
- Posts
- 1,455
- Reaction
- 590
- Points
- 922
"HINDI SA MATERYAL NA BAGAY, ANG TUNAY NA KALIGAYAHAN"
( MATEO 6:19)
19 “Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw.
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ang pagiimpok ng kayaman dito sa lupa ay hindi basehan na nakamit mo na ang lahat ng tagumpay sa iyong buhay... Maraming mayaman at tanyag na tao na natuklasang hindi sa kayamanan makakamit ang tunay na kaligayahan.. Maraming tanyag at mayayamang tao ang nagpapatiwakal dahil sa kakulangan at kahungkagan ng kanilang buhay.
Ang tunay na kayamanan ay maiimpok doon sa langit, hindi ito pansamantala kundi panghabang panahon hanggang sa walang hanggan... Masusumpungan lamang ang tunay na kaligayahan kung nasa puso natin ang Panginoong Hesus. Siya ang tunay na kayamanan natin, kung nasa iyo si Kristo, na sa iyo na rin ang lahat lahat, maging ang buhay na walang hanggan. Mga kapatid hindi masusukat sa materyal na bagay ang kaligayahan ng isang tao. May kulang pa rin kahit gaano pa karami ang iyong kayamanan.. Si Kristo lang ang ating kasapatan at sa Kanya lamang natin masusumpungan ang tunay na kaligayahan.
Pagpalain po tayong. lahat ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.
Pastor Ombie Lontoc