What's new

Daily Bread (May 26 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
ANG DIYOS ANG ATING KALAKASAN"
(AWIT 18:2)
"Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog.
Ano ang pumapasok sa isip natin kapag narinig natin ang salitang moog, malaking bato, aking kalasag o kanlungan.? "
Marahil ay isang gusaling may panara ang mga pinto, isang moog na makapal ang pader, o kaya'y isang simpleng silungan upang hindi ka mabasa ng ulan o bagyo. Kahit ano pa mang larawan ang naiisip natin, lahat tayo ay magkakasundo na ang mga nabanggit ay isang ligtas na lugar. Tuwing inilalarawan ng Biblia ang Diyos bilang kanlungan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay ligtas na kublihan sa panahong kailangan natin ng proteksyon at kalakasan.
Ibat ibang sitwasyon ang ating pinagdaraanan, maaring ikaw ngayon ay nasa matinding pagsubok at panghihina.. maaring ang iba ay malakas at punong puno ng kagalakan. pero ano man ang kalagayan..
WALANG SITWASYONG MAKAGAGAPI SA MGA ANAK NG DIYOS
Ang kaalaman na ang Diyos ay ating kanlungan ay nagbibigay sa atin ng lakas ng loob upang tayo ay lalong magtiwala sa Kanya. At dahil diyan, hindi tayo dapat matakot sa anumang sitwasyon at sa mga taong nagbabanta sa atin, sa pisikal man o espirituwal na aspeto. Sapagkat walang anumang sitwasyon na maaari nating kaharapin ang hindi kontrolado ng Diyos. kaya't ang pinakamainam na lugar ay ang palaging nasa Kanyang presensya. (KAWIKAAN 18:10) "Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na moog: Tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas" . GLORY TO HIS NAME AMEN!

English Ver.


GOD IS OUR STRENGTH "
(PSALM 18: 2)
"The LORD is my rock, and my fortress, and my deliverer; my God, my rock, in whom I will take refuge; my shield, and the horn of my salvation, my high tower.
What comes to mind when we hear the word tower, boulder, my shield or shelter.? "
Perhaps a building with locks on its doors, a tower with thick walls, or a simple shelter from rain or a storm. No matter what picture we think of, we can all agree that the aforementioned are a safe place. Whenever the Bible describes God as a refuge, it means that God is a safe refuge in times when we need protection and strength.
We are going through different situations, maybe you are now in a severe trial and weakness .. maybe others are strong and full of joy. but whatever the situation ..
NO SITUATION CAN OVERCOME THE CHILDREN OF GOD
The knowledge that God is our refuge gives us the courage to trust Him more. And because of that, we should not be afraid of any situation and of those who threaten us, whether physically or spiritually. Because there is no situation we can face that is not under God’s control. so the best place is always in His presence. (PROVERBS 18:10) "The name of the Lord is a strong tower: the righteous runneth into it, and is safe". GLORY TO HIS NAME AMEN!

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top