What's new

Daily Bread (March 27 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
PARA SA MGA MAGULANG
(COLOSAS 3:21)
Mga magulang, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.
MApagpalang araw po mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios. HINDI lahat ng magulang ay naging matagumpay sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, marami din ang bigo, sa kabila ng kanilang pagsisikap na mapanuto ang kanilang mga anak marami pa rin sa mga anak ang mga pasaway at mga suwail sa magulang...
“Saan ako nagkamali?” Iyan ang tanong na bumabagabag sa mga magulang na lumaking suwail ang mga anak... Nagsikap siya nang husto para maging isang mabuting ama o ina, pero sa tuwing maaalala niya ang kaniyang anak na nagrebelde sa kaniya, naiisip niya kung talaga bang naging mabuti silang magulang.
Totoo, hindi madaling maging mabuting magulang. Pero may mga saligang simulain na makatutulong. Nakita ng maraming ama at ina na nakikinabang sila at ang kanilang pamilya kapag sinusunod nila ang karunungang nasa Bibliya.
Kahit nadidismaya ka o nagagalit, kailangan pa ring madama ng anak mo na mahal mo siya at gusto mo siyang mapabuti kaya mo siya dinidisiplina. Kasali sa disiplina ang pagpapayo, pagtutuwid, pagtuturo, at pagpaparusa kung kailangan.
Bukod diyan, mas epektibo ang disiplina kapag laging pinapupurihan ng ama at ina ang kaniyang mga anak. Ayon sa isang kawikaan: “Gaya ng mga mansanas na ginto sa mga inukit na pilak ang salitang binigkas sa tamang panahon.” (Kawikaan 25:11) Ang pagbibigay ng komendasyon ay tumutulong sa anak na makapaglinang ng mabuting personalidad. Nagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili ang mga anak kapag pinahahalagahan sila. Kapag ang ama ay humahanap ng mga pagkakataon para magbigay ng komendasyon, tutulong ito sa mga anak na magkaroon ng kumpiyansa at magsikap na gawin lagi kung ano ang tama.
Tulad ng sinasabi ng ating talata ngayon hindi lamang para sa mga ama kundi para sa ating lahat na mga magulang. “Kayong mga ama, huwag ninyong yamutin ang inyong mga anak, upang hindi sila masiraan ng loob.”—(Colosas 3:21.)
PURIHIN ANG PANGINOONG HESUS!!!


English Ver.


FOR PARENTS
(COLOSSIANS 3:21)
Parents, do not provoke your children to anger, so that they do not become discouraged.
Blessed day, brothers and sisters, let us meditate on the Words of God again. NOT all parents have been successful in raising their children, many have also failed, despite their efforts to discipline their children many of the children are still reprimanded and disobedient to their parents ...
"Where did I go wrong?" That is the question that bothers parents whose children grow up rebellious ... He worked hard to be a good father or mother, but every time he remembers his son who rebelled against him, he wonders if they were really good. parents.
True, being a good parent is not easy. But there are basic principles that can help. Many fathers and mothers have found that applying the wisdom found in the Bible benefits them and their families.
Even if you are frustrated or angry, your child still needs to feel that you love him and want him to improve so you discipline him. Discipline includes counsel, correction, instruction, and correction when needed.
In addition, discipline is more effective when a father and mother regularly commend their children. As a saying goes: “As apples of gold in silver carvings is a word spoken at the right time for it.” (Proverbs 25:11) Giving commendation helps a child to develop a wholesome personality. Children gain self -confidence when they are valued. When the father looks for opportunities to give commendation, it will help the children to gain confidence and strive to always do what is right.
As our verse says today not only for fathers but for all of us parents. “Fathers, do not be exasperating your children, so that they do not become downhearted.” - Colossians 3:21.
PRAISE THE LORD JESUS !!!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top