What's new

Daily Bread (June 4 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" HINDI NALILINGID KAY YAHWEH"
(Panaghoy 3:34)
34 Hindi nalilingid kay Yahweh kung naghihirap ang ating kalooban.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Maraming dahilan kung bakit ang isang tao ay nagdaranas ng paghihirap ng kalooban.
Ang pagkawala ng mahal sa buhay, ay isang dahilan. Maging kung ang ating mga anak ay nalululong sa mga pinagbabawal na gamot. Ang hindi pagkakasundo ng mag asawa. Ang pagdating ng mabigat na karamdaman na hindi natin inaasahan, at napakarami pang ibat ibang dahilan ng kabigatan ng puso... Subalit alam ng Dios ang paghihirap ng ating kalooban, hindi ito nalilingid sa Kanyang paningin.. Kaya naman huwag tayong masisiraan ng loob, alam ng Dios ang ating mga pinagdaraanan.. Idulog mo ito sa Kanya, ang Dios ang ating pagsumbungan ng anomang kasakitang ating nararanasan.
May kapahingahan sa piling ng Dios, sa Kanya tayo sumandal at umasa.
Mga magulang ko at kapatid may paghihirap ba ng kalooban kayong nararanasan? Hindi po yan nalilingid kay Yahweh, niyayakap ka Niya sa panahon ng iyong kapighatian. At hindi ka Niya iiwan ni pababayaan man.
Purihin ang Panginoong Hesus.

English Ver.


"IT IS NOT HIDDEN FROM YAHWEH"
(Lamentations 3:34)
34 It is not hidden from the Lord when our hearts are troubled.
Blessed day to all of us, let us meditate on the Words of God again.
There are many reasons why a person experiences torment.
Losing a loved one, is one reason. Even if our children are addicted to drugs. The disagreement of the couple. The coming of a serious illness that we do not expect, and so many other causes of the heaviness of the heart ... But God knows the anguish of our heart, it is not hidden from His sight .. So let us not be discouraged, God knows what we are going through. Take it to Him, God is our support for whatever pain we are experiencing.
There is rest in the presence of God, in Him we lean and hope.
My parents and siblings are you experiencing any hardship? It is not hidden from Yahweh, He embraces you in the time of your trouble. And He will not leave you nor forsake you.
Praise the Lord Jesus.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top