What's new

Daily Bread (June 3 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
BUHAY NA WALANG HANGGAN TOTOO BA?
(Job 14:14)
Kung mamatay ang tao, siya kaya’y mabubuhay? Ngunit sa ganang akin, ako’y maghihintay, Hanggang sa ang araw ng kahirapan ay maparam.
May isang kuwento tungkol sa isang taong nakaharap si kamatayan, ipinaalam sa taong ito na sa araw na iyon ay mamamatay na siya. Kaya’t kahit na takot na takot ay umisip ito ng paraan upang mabago ang kanyang kapalaran. Ito ang kanyang naisip, inalok niya ng napakasarap at napakalamig na inumin si kamatayan, pero lihim niya itong nilahukan ng pampatulog. Sa madaling salita, pagkatapos na inumin ni kamatayan yung tinimplang inumin, nakatulog ito. At nang matiyak nung taong iyon na mahimbing na si kamatayan, kinuha niya ang talaan ni kamatayan ng kanyang mga susunduin at natiyak nga ng taong ito na siya na ang nasa unahan ng lista ng mga pangalang susunduin na ni kamatayan, kaya ang ginawa niya ay inilagay niya ang kanyang pangalan sa ilalim ng lista. Nang magising si kamatayan, natuwa ito sa taong ito na nag-alok ng maiinom sa kanya, dahil sa totoo lang sa lahat ng kanyang mga sinusundo, para sa kanya kakaiba ang taong ito sa lahat, siya lang ang nag-alok sa kanya ng maiinom. Kaya’t bilang gantimpala, ang sabi nito dun sa taong yaon ay ganito, “dahil ikaw lang ang nagpainom sa akin, hindi ko na kukunin yung mga pangalan na nasa unahang lista, dun na ako magsisimula sa dulo.”.. Ayon, ang pobre hindi pa rin nakalusot. Nakakatuwang kwento pero ito ang totoo ang tao ay mamamatay.. At ito ay sinasabi sa Aklat ni Job.
(Job 14:14) Kung mamatay ang tao, siya kaya’y mabubuhay? Ngunit sa ganang akin, ako’y maghihintay, Hanggang sa ang araw ng kahirapan ay maparam.
- Makikita po natin na sa kaso ng mga Sadducees, ang kanilang pananaw ay hanggang kamatayan lamang. And this is true maging sa ating panahon, maraming mga taong dumadaan sa maraming kaguluhan sa buhay na sumuko at ang nagiging kaparaanan nila ay ang pagkitil ng kanilang sariling buhay, akala kase para matapos na ang lahat, tapusin na rin ang sarili.
May mga taong hindi naniniwalang may buhay pa pagkatapos ng kamatayan
akala nila hanggang dito lang ang buhay sa mundo, kaya naman nakalagak na ang kanyang lahat lahat sa buhay na ito sa lupa. Ang katotohanan ay may langit at impierno, nakakalungkot naman kung ang tao ay hindi naniniwala sa ikalawang buhay saan kaya siya pupunta pag sila ay namatay na?
May buhay na walang hanggan napakaraming beses yan na binabanggit sa Biblia. Ang tanong saan mo kaya gugugulin ang iyong buhay na walang hanggan? Sa langit ba o sa impierno? Pagisipan nyo pong mabuti...
Glory to God!


English Ver.


IS ETERNAL LIFE TRUE?
(Job 14:14)
If a person dies, will he live? But as for me, I will wait, Until the day of trouble is over.
There is a story about a man facing death, this man was informed that on that day he was going to die. So even though he was terrified, he thought of a way to change his destiny. This is what he thought, he offered death a very delicious and very cold drink, but he secretly mixed it with sleeping *****. In other words, after death drank the brewed drink, it fell asleep. And when that man was sure that death was a great death, he took the record of the death of his subjects and this man was sure that he was at the forefront of the list of names to be fetched by death, so what he did was put he put his name at the bottom of the list. When death awoke, he was pleased with this man who offered him a drink, because honestly of all his fetishes, for him this man was different from everyone else, he was the only one who offered him a drink. . So as a reward, he said to that person like this, "because you are the only one who gave me a drink, I will not take the names on the first list, I will start at the end." .. According, the poor still not infiltrated. It's a funny story but it's true that man will die. And it is told in the Book of Job.
(Job 14:14) If a person dies, will he live? But as for me, I will wait, Until the day of trouble is over.
- We can see that in the case of the Sadducees, their view is only until death. And this is true even in our time, many people who go through a lot of turmoil in life give up and their only way is to take their own lives, thinking that in order to end everything, to end themselves as well.
There are people who do not believe there is life after death
they thought that life on earth was only up to here, so he had everything in this life on earth. The truth is there is heaven and hell, it is sad if a person does not believe in the second life where will he go when they die?
There is eternal life that is mentioned so many times in the Bible. The question is where will you spend your eternal life? In heaven or in hell? Please think carefully ...
Glory to God!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top