What's new

Daily Bread (June 19 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
PINAPAYAPA TAYO NG DIYOS NG KAPAYAPAAN!
(Juan 14:27)
Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak? Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong: sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato. . - Mga Awit27:1, 5
Ilan pa lamang ang mga talatang ito na nagbibigay sa atin ng kapayapaan. Pinapayapa tayo ng Panginoong Hesus sa lahat ng takot na ating nararanasan. Hindi kailanman bibigyan ng Diyos ng espiritu ng takot ang kanyang mga anak, kundi ng kapayapaan. At wala din tayong dapat katakutan dahil ang Diyos ang ating liwanag, ang natatakot palagi ay ang mga taong nasa kadiliman. Laging nangangamba at natatakot ang taong nasa dilim, subalit kung nasa liwanag ka mas higit tayong panatag... ang Diyos ang liwanag ng ating buhay ang ilaw sa landas na ating tinatahak.. Sa panahon ng kabagabagan iniingatan tayo ng Diyos at ikinukubli sa Kanyang pagiingat, at ilalagay Niya tayo sa ibabaw ng tagumpay kapiling ang ating malaking bato ang ating Panginoong Hesus.
PAGPALAIN PO TAYONG LAHAT NG DIYOS... AMEN!

English Ver.

THE GOD OF PEACE MAKES US PEACE!
(John 14:27)
Peace I leave with you; my peace I give unto you: not as the world giveth, give I unto you. Let not your heart be troubled, neither let it be afraid.
The LORD is my light and my salvation; whom shall I fear? The LORD is the strength of my life; of whom shall I be afraid? For in the time of trouble he shall hide me in his pavilion: in the secret of his tabernacle shall he hide me; He will lift me up on a rock. . - Psalm 27: 1, 5
These are just a few of the verses that give us peace. The Lord Jesus comforts us with all the fears we experience. God will never give his children a spirit of fear, but of peace. And we also have nothing to fear because God is our light, the ones who are always afraid are the people in darkness. The person in the dark is always afraid and frightened, but when you are in the light we are more secure ... God is the light of our life the light of the path we walk .. In times of trouble God protects us and hides us in His care , and He will place us on top of victory with our rock our Lord Jesus.
GOD BLESS US ALL ... AMEN!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top