What's new

Daily Bread (June 11 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
KUMUSTA ANG IYONG BUNGA?
( Lucas 6:43-45)
43 “Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at wala ring masamang punong kahoy na namumunga ng mabuti. 44 Nakikilala ang bawat puno sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakakapitas ng igos sa matitinik na halaman o ng ubas sa mga dawag. 45 Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang pusong sagana sa kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas ng masama mula sa kanyang pusong puno ng kasamaan. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi.”
Makikilala po ang isang puno sa pamamagitan ng kanyang bunga ayon sa Panginoong Hesus sapagkat Siya po ang nagsasalita sa mga talatang ito.
Walang mabuting kahoy na mamumunga ng masama at wala ring masamang puno na mamumunga ng mabuti.
Ganon din naman ang ibig sabihin nito patungkol sa tao, makikilala mo ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang bunga.
Malimit ang tinitingnan ng tao ay ang panglabas na anyo, ngunit ang panlabas na anyo ay mapandaya, hindi maganda o gwapo ay maganda na ang kalooban, o kaya naman ay maganda ang bihis ay mabuti, at pag pangit ang kasuutan ay masama na.
Makikilala mo ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang bunga, kung ano ang resulta ng kanyang pamumuhay sa araw araw, sapagkat sa puso ng isang tao na mabuti ay kusang bumubukal ang paggawa ng kabutihan.
Maraming mga dalaga ang nalilinlang ng panglabas na anyo ng kanilang mga manliligaw, kapag dumidiga palang, napaka galang at maginoo, kaya naman lalo na pag gwapo madaling nasusungkit ng palikerong lalaki ang oo ng isang dalaga.. Pero paglipas ng panahon at nakuha na ang gusto, lumalabas na ang tunay na kulay.. manloloko pala at nambubugbog pa.
Sabi ng talata makikilala ang isang puno sa pamamagitan ng kanyang bunga... ANG MABUTING TAO AY NAGLALABAS NG MABUTI MULA SA KANYANG PUSONG SAGANA SA KABUTIHAN. Ano daw po ang lalabas sa mabuting tao? Mga gawang kabutihan ang makikita mo sa kanya, may nakakakita man at wala gagawa at gagawa siya ng kabutihan sapagkat ito ang kalikasan ng kanyang puso.
Ang maruming puso ay gagawa lamang ng mabuti, para sa kanyang sariling kapakanan, kumbaga ay plastic, nandaraya lamang, dahil hindi likas sa kanyang puso ang paggawa ng kabutihan. Sabi ng talata.. SAMANTALANG ANG MASAMANG TAO NAMAN AY NAGLALABAS NG MASAMA MULA SA KANYANG PUSONG PUNO NG KASAMAAN.
Lalabas at lalabas ang kasamaan sa puso ng isang taong masama sapagkat ito ang kalikasan ng kanyang puso, hindi po ito maikukubli sa mata ng Dios..
Malimit mahuhuli mo ito sa kanyang labi, ano ang sinabi ng Panginoon sa huling bahagi ng talata.. SAPAGKAT KUNG ANO ANG NAG UUMAPAW SA PUSO AY SIYANG SINASABI NG LABI.
Mapapansin natin ang taong masama, puro masama din ang lumalabas sa kanyang bibig, kasinungalingan, kabastusan, pagmumura, paninira sa kapwa at marami pang masamang bagay.. Dahil iyon po ang laman ng kanyang puso.
Ang mabuting tao naman ay mga mabubuting salita ang kanyang mga inaasal.. Pagpapala, mga pampalakas ng kalooban, at papuri sa Dios.PAGPALAIN PO TAYO NI YAHWEH,..
SA DIYOS LAMANG ANG PAPURI AT PAGSAMBA!

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top