What's new

Daily Bread (July 9 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
HUWAG MABALISA
(Filipos 4:6-7)
6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Kumusta na po kayo mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Lumalaganap ngayong panahong ito ang pagkabalisa, hindi ito nalilingid dahil kahit sa social media sa fb at sa messenger ay malimit nating makita at mabasa ang ating mga kaibigan at kapwa na nag po post na sila ay dumaranas ng pagkabalisa.. Maraming maaring pagbuhatan ng pagkabalisa, ang kakulangan sa pinansiyal, mga sunod sunod na resibo o bills na dumarating sa ating mga kamay na wala pang pangbayad tayong naihahanda ay nagdudulot ng labis na pagaalala sa marami... Ang karamdaman at pagkawala ng tiyak na pagkakakitaan ay nagdudulot din ng pagkabalisa. Subalit ang higit na nagpapatindi ng pagkabalisa ay sanhi ng mga kubling kasalanan. Nagiging parang multo ito na laging nagpapakaba sa mga taong dumaraan dito.. Tulad ni Haring David sa kanyang pag aalala na mabisto ang kasalanang ginawa niya sa kanyang matapat na kawal na si Urias ay ipinapatay niya ito ng lihim.. Subalit walang bagay na nalilingid sa Dios gaano man tayo ka husay magtago ng lihim ang lahat ng bagay ay lantad sa Kanya, kaya naman po sa halip na magtago tayo ay aminin natin sa Dios ang lahat ng ating mga kasalanan.. Gagaang ang ating pakiramdam at lalaya tayo sa pagkatakot kapag inamin natin sa Dios ang ating mga kasalanan.. Bagamat humanda rin tayo sa maaring maging bunga o konsenkwensiya ng ating mga kasalanan.
Sabi po nang ating talata, 6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.. Anuman ang uri ng dahilan ng ating pagkabalisa ilagak po natin sa Dios at hilingin natin ang lahat ng ating mga kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.
At hindi po maunawaan ng tao ang ating kapayapaan dahil ang Dios ang nagdudulot nito.
7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus... Iingatan ng Dios ang ating puso at pagiisip dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top