What's new

Daily Bread ( July 5 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"AKLAT NG KAUTUSAN"
(JOSUE 1:8)
Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.
Pagkamatay ni Moises, si Josue ang itinalaga ng Dios na kapalit niya bilang pinuno ng Israel, isa sa natatanging tagubilin ng Dios kay Josue ay mga talatang ito upang maging matagumpay siya sa kanyang pamumuhay. HUWAG MONG KALILIGTAANG BASAHIN ANG AKLAT NG KAUTUSAN.. noong panahong iyon hindi pa buo ang Bible, kahit ang Old Testament. Kapag sinabing kautusan ni Moises iyon po ay tumutukoy sa limang aklat na ibinigay ng Dios kay Moises, Genesis,, Exodo, Levitico, Mga Bilang, at Deuteronomio. Tinawag yang Pentateuch.
Pentateuch means simply "five books". In Greek, the Pentateuch (which Jews call the Torah) includes the books of Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, and Deutronomy. Nakasulat po yan sa scroll, ang hirap magbasa noon, isang malapad na papel ang babasahin mo para makabasa ng ilang bahagi ng Torah, wala pang mga verses at chapters noon. Napakapalad natin kumpleto na ang Bible na inabutan natin, nasa isang Aklat na lang ito, ang Biblia, ang mas maganda ibat ibang salin pa kumporme pa sa iyong lenguahaweng nais mo.
Meron pa sa cellphone kung may application kang idinownload..
Pero marami sa atin nahihirapang maglaan ng oras sa pagbabasa ng Bible, hindi po kinakailangang magbasa ng napakahaba, ilang talata lang ay maari naman, ang importante ay ang pagbubulay,... bulayin ang sabi ng talata, lasapin, nguyain, unawaing mabuti at isalin ang aplikasyon sa iyong buhay. Nagbasa ka nga ng pagkahabahaba hindi mo naman naunawaan e di sayang lang din. Katulad po ngayon isang talata lang ang binasa natin pero binubulay natin inuunawa,.. kaya lang, ang daming kakompitensiya ng Biblia sa buhay natin kaya hindi natin mabasa, trabaho, kaabalahan, gadget, antok pagkainip, pagkatamad,.. Subalit isang paalala po ito sa atin ng Dios ngayon mga kapatid,.. dapat ay alam natin kung ano ba talaga ang pinakaimportante sa buhay, at paano tayo makasusumpong ng tagumpay? Ang sagot po ay basahin po natin ang mga Salita ng Dios araw at gabi, bigyan natin ng panahon ang pagbubulay ng Salita ng Dios dahil may kakabit po iyang pangako, ano po ang sabi ng Dios sa talata natin kapag ginawa nating bulayin ang Kanyang kautusan? SA GANOON MAGIGING MASAGANA AT MATAGUMPAY ANG IYONG PAMUMUHAY. Sinunod po ito ni Josue kaya naman lahat ng hakbang ng kanyang buhay ay puno ng tagumpay at kasaganaan, si Josue ang namuno sa mga Israelita upang masakop ang lupaing ipinangako sa kanila ng Dios.. Lupaing napakasagana, lupaing binubukalan ng gatas at pulot, ibig sabihin isang lugar ng kasaganaan. Hindi nagkulang kaylanman si Josue noong kaniyang kapanahunan at lahat ng kanyang plano ay sinamahan ng Dios. Dahil sinunod Niya ang utos ng Dios sa kanya sa.. JOSUE 1:8 Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay...
Muli pagpalain po tayo ng Dios at ingatan ngayon at magpakailanman sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top