What's new

Daily Bread (July 28 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" MAGPAHINGA KA NAMAN"
(HEBREO 7:9)
9 Kung paanong nagpahinga ang Diyos sa ikapitong araw, mayroon ding kapahingahang nakalaan sa mga taong sumasampalataya sa Diyos,
Muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios mga kapatid, kumusta na po kayo?, Nawa ay nasa mabuti po kayong kalagayang lahat.
Ang Dios po ay nagpahinga matapos ang Kanyang paglikha sa ikapitong araw. Ibig po bang sabihin nito ang Dios ay napagod? Hindi po kailanman mapapagod ang Dios dahil Siya ay makapangyarihan. Ang ibig pong sabihin ng nagpahinga ay itinangi Niya ang ikapitong araw, minasdan Niya ang Kanyang likha at Siya ay nasiyahan. Ninamnam Niya ang kagandahan ng Kanyang ginawa. Ito po ay para sa Kanyang sarili. Tinuturuan tayo ng Dios na magalak din sa lahat ng accomplishment natin huminto sandali at ienjoy ang bunga ng iyong mga pinagpagalan.
Marami kasi sa atin ang hindi marunong masiyahan, hindi na aappreciate ang mga biyayang natamo, ang mga tagumpay at natapos. Sulong parin ng sulong at hindi humihinto...Magpahinga ka naman! Tumigil ka naman kapatid at magbigay ng oras na masdan ang mga biyayang ibinigay sa iyo at magpasalamat ka sa Dios na may bigay nito . May isang araw na inilaan ang Dios para sa Kanyang sarili,ang ikapitong araw, kaya naman tayong mga anak ng Dios ay dapat ding maglaan ng araw para sa Dios at sa ating sarili at sa ating pamilya. Hindi natin mauubos ang trabaho at paghahanap ng tagumpay, subalit ang buhay ay may hangganan. Ano mang layo ng ating naabot darating ang panahong hihinto rin ang ating isip at katawan sa paggawa... Sa ayaw man natin at sa gusto magpapahinga talaga tayo ng pirmihan. Subalit ayon sa ating talata may kapahingahan tayong mga anak ng Dios na inilaan Niya sa atin. Ang kapahingahan ng isip at kaluluwa ang mas higit na mahalaga... Maraming tao ang nakamit ng lahat ang naisin sa buhay subalit wala pa rin kapahingahan o kapayapaan. Ang kapahingahang tinutukoy ng Panginoon ay ang kapahingahan sa Kanyang presensiya. Wala ng pinakapayapang lugar kundi ang bisig ng Panginoong Hesus. Mga kapatid nagnanais ka ba ng kumpletong kapahingahan? .. lumapit ka sa Panginoong Hesus dahil sinabi Niya sa Kanyang salita sa (Mateo 11:28) Magsiparito kayo sa akin kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin at kayo ay aking pagpapahingahin.
Sumaating lahat ang kalinga at pagibig ng Dios sa ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top