What's new

Daily Bread (July 13 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"BAHALA ANG DIOS BUKAS..."
(MATEO 6:25-34)
Daming suliranin ang kinakaharap
Hindi lamang ngayon pati na rin bukas
Maging sa isang taon at buwan na lilipas
Di maiiwasang ating makaharap

Subalit si Kristo'y mayr'ong paalala
Huwag alalahanin problemang wala pa
Sapat na ang ngayon na ating problema
Hayaang ang bukas ang mag alala

Bilang anak ng Dios may nag aalaga
Dios na nasa langit sa 'yo' y naghahanda
Siya ang magdudulot ng mga biyaya
Tanggapin mo na lang darating na kusa

Kung ang mga ibong hindi naghahasik
Hindi nagtitipon o nag gigigiik
Kahit na kaila'y 'di sila nawaglit
Inaalagaan ng Dios sa langit

Ang mga bulaklak na naro'n sa parang
Na ngayo'y bukadkad bukas ay paparam
Ay binibihisan at pinararamtan
Kahit si Solomon hindi naranasan

Mas higit na ikaw sa Dios mahalaga
Dahil ika'y anak at kawangis Niya
Higit ka Niyang mahal sa lahat ng likha
Kaya hindi dapat ika'y mag alala

Hayaan mong bukas ang siyang mamroblema
Kung anong biyaya sa 'tiy ihahanda
Basta' t unahin mo ang Dios na Maylikha
Bahala Siya bukas sa iyo'y magpala

Kung iiisipin mo bukas na parating
Kapatid ang ngayon di mo mapapansin
Magpapatong patong ang iyong dalahin
Saka na ang bukas ngayon ang unahin

Ang dapat mong gawin ibigay sa Kanya
Ilagak na lahat ang iyong problema
Ang Kanyang pangako ay sasamahan ka
At di ka iiwan sa lahat ng sigwa..

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top