What's new

Daily Bread (February 27 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HINOG NA ANG ANIHIN"
(LUCAS 10:2)
Sinabi niya sa kanila, “Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang tagapag-ani. Kaya idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihin, na magpadala siya ng mga tagapag-ani.
Isang magandang araw po sa ating lahat, pagpalain kayo ng Panginoon at maghari nawa ang kapayapaan sa mga oras na ito. Salamat sa Diyos at purihin Siya sa Kanyang kabutihan.
Marami tayong pinaghahandaang bagay, isa dito ang kaarawan natin, ang anniversary, kasal, pag-aaral, pagtatrabaho, pinaghahandaan ang pagpunta sa ganitong mga lugar. Lalo na po ngayon, na medyo lumuwag na ang ating bansa sa mga protocols. . . Iba’t ibang mga importanteng bagay ang ating binibigyang pansin at labis na pinaghahandaan. Pero bilang isang kristiyano, minsan po ba’y napaghahandaan din natin ang mga kalaban? Napaghahandaan ba natin ang dapat isagot sa kanilang mga katanungan? Napaghahandaan ba natin ang pagbabahagi ng Salita ng Diyos o pangangaral? Mga kapatid, mayroon tayong mas dapat paghandaan habang tayo’y nabubuhay sa mundong ito—ito’y ang pangangaral ng Salita ng Diyos.
Marami ngayong mga Churches na nawawalan na ng interest sa pangangaral, nakatuon ang isipan ng iba sa mga panloob na gawain, kaya kung mapapansin natin; maraming budget sa iba’t ibang gawain ng Iglesia pero ang Evangelism ay wala (hindi kopo sinasabing huwag mag budget at huwag pagtuunan ng pansin ang ibang mga gawain, pero dapat lagyan naman ng mas madaming budget ang pangangaral). Sabi nga ng isang Pastor sa evangelism, “Ang pangangaral ang puso ng Iglesia, kaya pag wala nito, matagal ng patay ang Iglesiang iyon, at ang iba’y dapat ng ilibing”.
Napakaraming aanihin at hinog na hinog na, kulang na kulang ang mga mag aani... Ang tanong kapatid, handa ka na bang mag ani ng mga kalukuwa, sumama sa mga misyon at pangangaral ng mabuting balita ng kaligtasan.. Tandaan natin na pagharap natin sa Dios hahanapin niya ang ating mga bunga, lalo na ang mga nadala mong kaluluwa sa Kanyang paanan.. Huwag tayong magsawalang bahala at magpabukas pa simulan na nating mag ani ng mga kaluluwa bago pa bumalik ang may ari ng anihin, ang ating Panginoong Hesus.
Pagpalain po tayo ng Dios sa ating pagbabahagi ng kaligtasan sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top