What's new

Daily Bread (August 18 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MAHAL KA NG DIOS"
(Mga Taga-Roma 8:39)
"Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Kung mayroon mang pagibig na walang kapantay at hindi magbabago ito ay walang iba kundi ang pag ibig ng Dios.. Walang sinuman o anumang bagay na makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios sabi po ng ating talata.
Mga kapatid kung minsan, sa kakahanap natin ng pag-ibig na inaakala nating makakakumpleto sa atin, nakakaligtaan natin ang Dios. Sa katotohanan, mabibigo tayong makahanap ng tunay na pag-ibig sa ating kapuwa tao, subalit sa Dios, kaylanman ay hindi tayo mabibigo. Laging nariyan ang Dios at handang ipakita ang Kaniyang kabutihang loob at pag-ibig. At hindi kailangang hilingin na mahalin at ibigin Niya tayo, sapagkat matagal na Niya tayong iniibig.
Sa Kaniya natin masusumpungan ang ganap na kapahingahan, bagay na hindi natin masusumpungan kaninuman, o sa kahit anumang bagay. (Mateo 11: 28-30), Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka’t ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka’t malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.
Mga magulang ko at kapatid, higit ang biyaya ng mga lumalapit sa Kaniya, nakikinig sa Kaniyang mga salita at ginaganap ang mga ito. Ang salita ng Dios ay may kakayahang hilahin tayo at itulak sa paggawa ng kabanalan, bigyang direksyon ang ating buhay patungo sa lalong ikapagigindapat natin sa Dios. At higit sa lahat, magtataglay tayo ng matibay na paninindigan at pananampalataya sa Kaniya. Magkakaroon din tayo ng kakayahang harapin anuman ang dumating sa ating buhay, ito man ay pagsubok o anumang sari-saring kapighatian. (Mateo 7: 24- 27) Kaya’t ang bawa’t dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato: At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka’t natatayo sa ibabaw ng bato. At ang bawa’t dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan: At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak.
Hindi natin mapagpantayan ang Dios pagdating sa pagsasagawa ng pagmamahal, subalit gawin po natin sa abot ng ating makakaya mga kapatid na maibig po natin ang Dios ng buong katapan, mahalin natin ang tunay na nagmamahal sa atin.. Kaya Niyang ibigay sa atin ang lahat dahil mahal Niya tayo.. Pinatunayan ng Dios ang Kanyang pagibig sa atin noong tayo ay makasalanan pa, namatay o ibinigay ng Dios para sa atin ang Kanyang kaisaisang Anak para sa atin.. Mayroon bang pag ibig na hihigit pa rito?
Kaya naman magmahalan din tayo kung paanong inibig tayo ni Kristo, sapagkat ang Dios ay Pag ibig.
Pagpalain po tayo ng ating Panginoong Hesus ngayon at magpakailanman. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top