What's new

Daily Bread (August 15 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
MABUTI ANG MASAMA, MASAMA ANG MABUTI.
( ISAIAS 5:20)
Sa mga huling araw, ang mabuti ay tatawaging masama, at ang masama ay tatawaging mabuti.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Totoo nga naman nasa panahon na po tayo ng mga huling araw, at natutupad na po ang Salita ng Dios na sinabi ni Isaias, sa huling araw ang mabuti ay ituturing na masama at ang masama ay ituturing na mabuti...
Kabaligtaran na nga po ang nangyayari ngayon mga kapatid, halimbawa na lang po ay ang pagsasama ng hindi kasal, noon hindi tanggap yan ng lipunan pero ngayon normal na, hindi na mabilang ang nagsasama ngayon ng hindi kasal.
Hindi papayag ang mga magulang noon na di makasal ang mga anak lalo na kung babae ang anak... Noon ang mga salitang malalaswa ay hindi mo maririnig sa bibig ng mga kabataan, pero ngayon parang normal na lang na naririnig ito kahit sa bibig ng isang musmos. Noon ang mga pulitiko ay takot magnakaw sa kaban ng yaman pero ngayon lantaran na ang pagnanakaw... Sila ang lingkod bayan pero ang gusto nila sila ang pinaglilingkuran at maghari sa lipunan. Ang mga bata ngayon ay wala ng galang sa matatanda. Noon normal lang na paluin ang isang bata para disiplinahin, ngayon pag namalo ka ng anak ikaw pa ang makakasuhan.. Ang kasalanan ay lantaran ng ginagawa ngayon sa ibat ibang aspeto ng lipunan... Tunay nga na pasama na ng pasama ang mundo at patungo na nga sa pagkapahamak.
Ang mabuti ang siyang masama ngayon at ang masama ang tinatanggap ngayon ng mundo.. Marami pang mga halimbawa na pwede nating isa isahin subalit hahaba po tayong masyado.
Mga kapatid bilang mga anak ng Dios tumindig pa rin tayo sa pamantayan ng Dios. Ang Biblia ang gawin nating gabay at panuntunan sa lakad ng mundong ito at sa pagpapalaki ng ating mga anak... Ang mundo ay patuloy na magbabago, at magiging pasama ng pasama.. Tanging Salita lamang ng Dios ang hindi magbabago at mananatili magpakailanman.
Sumaating lahat ang pagpapala at kabutihan ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top