What's new

Daily Bread (August 10 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MANALIG TAYO SA MAGAGAWA NG ATING PANGINOONG HESUS"
(MATEO 14:28-31)
28 Sinabi ni Pedro, “Panginoon, kung talagang ikaw nga iyan, papuntahin mo ako diyan sa kinaroroonan mo sa ibabaw ng tubig.”
29 Sumagot siya, “Halika.”
Mula sa bangka ay lumakad si Pedro sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. 30 Ngunit nang mapansin niya na malakas ang hangin, siya'y natakot at nagsimulang lumubog. “Panginoon, sagipin ninyo ako!” sigaw niya.
31 Agad siyang hinawakan ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi niya kay Pedro.
ANO ANG MATUTUNAN NATIN KAY PEDRO SA PAGLAKAD NATIN SA ATING PANANAMPALATAYA.?
1). ANG KANYANG PANANAMPALATAYA- (Vv. 28) Sinabi ni Pedro, Panginoon kung talagang ikaw nga iyan, papuntahin mo ako dyan sa kinaroroonan mo sa ibabaw ng tubig. Madalas ang nakikita natin kay Pedro sa tagpong ito ay ang kanyang paglubog hindi natin nakita ang kanyang pananampalataya na kayang gawin ng Diyos ang isang bagay na imposible at ito ay ang makalakad siya sa tubig, alam ni Pedro na walang bagay na imposible sa Panginoong Hesus.
2). ANG TAGUMPAY SA PAGLALAKAD NIYA SA TUBIG ( Vv. 29) " Sumagot Siya" Halika". Mula sa bangka lumakad siya sa ibabaw ng tubig papunta kay Hesus.
At nakalakad nga Siya sa tubig, kailanman ay walang taong nakalakad sa tubig kung hindi si Pedro, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya.
3). ANG KANYANG PAGLUBOG SA TUBIG ( Vv.30a) Ngunit ng mapansin niya na malakas ang hangin, siya'y natakot at nagsimulang lumubog.. Subalit kapag ang ating pokus ay nawala sa Panginoon at nabaling tayo sa mga bagay na nakapaligid sa atin, sa mga suliranin at pagsubok sa mga bagyo ng buhay manghihina tayo at tulad ni Pedro unti unting lulubog tayo at lulunurin ng problema.
4). ANG KANYANG PAGHINGI NG TULONG SA PANGINOON ( Vv30b) "Panginoon sagipin nyo ako!" sigaw niya. Subalit ang isang bagay na nakakahamon kay Pedro ay sa kabila ng kanyang pagkakamali at pagbaling ng tingin sa ibang bagay, humingi kaagad siya ng tulong sa Panginoong Hesus, alam niyang kahit mahusay siyang lumangoy pag naunahan ng takot ay malulunod siya.. subalit dumaing siya Kay Hesus at iniligtas Siya agad ng Panginoon.
5). ANG PAGLILIGTAS SA KANYA NG PANGINOONG HESUS. (Vv31a) "Agad siyang hinawakan ni Hesus." Mga kapatid hindi nagtatagal ang tulong ng Diyos Siya ay handang sumaklolo sa mga humihingi ng tulong sa Kanya.
6). ANG PAGTUTUWID SA KANYA NG PANGINOON (Vv31b) "Bakit ka nag aalinlangan"? "Napakaliit ng iyong pananampalataya" sabi Niya kay Pedro. Ngunit tatandaan natin na sa bawat ating kawalan ng tiwala sa Diyos tayo ay Kanyang itinutuwid, pinapaalalahanan na huwag manghina sa ating pananampalataya.
7). ANG PAGSAMA NG PANGINOON SA KANYA PABALIK SA BANGKA (Vv. 32) Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin... Mga kapatid kung si Kristo ay lagi nating kasama sa ating buhay, sa ating pamilya sa ating trabaho sa kahit saang naroon tayo, sa ating bangka, magiging maayos ang ating paglalayag sa dagat ng buhay ng ating pananampalataya. PURIHIN ANG PANGINOONG HESUS!

English Translation



"LET'S BELIEVE IN WHAT OUR LORD JESUS CAN DO"
(MATTHEW 14:28-31)
28 Peter said, "Lord, if it really is you, take me to where you are on the water."
29 He answered, "Come."
From the boat Peter walked on the water to Jesus. 30 But when he noticed that the wind was strong, he was afraid and began to sink. "Lord, save me!" he shouted.
31 Immediately Jesus took hold of him. “Why did you hesitate? You have so little faith!” he said to Peter.
WHAT CAN WE LEARN FROM PETER AS WE WALK IN OUR FAITH.?
1). HIS FAITH- (Vv. 28) Peter said, Lord if it really is you, let me go to where you are on the water. Often what we see in Peter in this scene is his sinking, we don't see his faith that God can do something impossible and it is for him to walk on water, Peter knows that nothing is impossible with the Lord Jesus.
2). THE SUCCEED WHEN HE WALKED ON THE WATER (Vv. 29) "He answered" Come". From the boat he walked on the water to Jesus.
And He did walk on water, no one has ever walked on water except Peter, it was because of his faith.
3). HIS SINKING IN THE WATER (Vv.30a) But when he noticed that the wind was strong, he was afraid and began to sink.. But when our focus is lost on the Lord and we turn to the things that surround us, to those problems and trials in the storms of life we will weaken and like Peter we will gradually sink and drown in problems.
4). HIS PRAYER TO THE LORD (Vv30b) "Lord save me!" he shouted. But one thing that challenges Peter, that is despite of his mistake and turning his attention to something else, he immediately asked for help from the Lord Jesus, knowing that even if he swims well, if he is overcome by fear, he will drown.. but he cried out to Jesus and the Lord saved Him immediately.
5). THE SALVATION OF HIM BY THE LORD JESUS. (Vv31a) "Immediately Jesus took hold of him." Brothers and Sisters, God's help do not delay. He is ready to help those who ask Him for help.
6). THE LORD'S JUSTIFICATION OF HIM (Vv31b) "Why do you doubt"? "You have a very little faith" He said to Peter. But we will remember that with every lack of trust in God, He corrects us, reminding us not to weaken in our faith.
7). THE LORD TOOK HIM BACK TO THE BOAT (vv. 32) After they got into the boat, the wind stopped... Brothers and sisters, if Christ is always with us in our lives, in our families, in our work, wherever we are, in our boat, we will sail well in the sea of the life of our faith. PRAISE THE LORD JESUS!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top