What's new

Closed Covid symptoms na kaya?

Status
Not open for further replies.
naganyan din ako ts dati nawalan ng panglasa, lagi kang pala inom ng tubig tapos kain ng masasabaw na pagkain mga mami noodles tapos calamansi juice sabayan mo ng tamang tulog at pahinga relax mo katawan mo, mawawala din yan agad, ganyan ginawa ko pahinga lang tlaga
 
Self quarantine ka muna boss. Isipin mo mabuti kung may exposure ka sa positive patient.. Kung wala naman at lagi ka lang naman nasa bahay o umiiwas sa mataong lugar, baka simpleng karamdaman lang iyan dahil sa malamig na panahon ngayon. Kung naexpose ka naman, need mo talaga magpaswab. Mahirap na baka makahawa ka ng iba kung positive ka nga.. Kung malakas ang resistensya mo gagaling ka kahit di ka magpaospital. Basta eat healthy foods lang at pahinga ka mabuti.. Keep relaxed, don't be stressed. Higit sa lahat, dasal dasal lang .. After 14 days quarantine, at wala ka na any symptoms, advise ko pa rin pa swab test ka to confirm na ok ka. Hope you will be fine soon...
 
awit tol ganyan di ako eh 3 days na trangkaso tapos mawala ng trangkaso ko nawala pang amoy at panlasa ko pero di naman covid humina lang immunity system mo ata ah
 
Paps pag nag pa swab ka at positive result matik pupuntahan ka ng brgy tanod sa bahay nyo kiya mga health worker na nasa munisipyo kong mag home quarantine ka namanmake sure na may sarili kang space o o pag lalagian mahirap na makahawa ka sa pamilya mo kaya mas ok din i quarantine sa oapital kase di sila madadamay sa sakit mo pag isipan mo maigi ,sa ospital sabe para ka daw pinapatay unti unti kase ikaw lang andoon bawal may kasama sariling asikaso sa dame ng nag positive may time na di na ontime bigay ng gamot.

Ito paps ginawa kilala ko na positive nag suob lang sya.

2 kilo asin tunawin sa mainit na tubig malaking kaldero .

Kumuha ka ng kumot na malake na tatakip sabuong katawan mo habang nasa loob ka andoon din ang kaldero haloin mo para umusok langhapin 10 secs din exhale 30 minutes to 1 hour mo gawin.

Bago ka lumabas sa kumot bawal ka mahanginan kumuha ng bimpo ioang punas sa katawan yong tubig na ginamit mo habang nasa loob kapa ng kumot bawal ka mahanginan mag damit ng mahaba at pajama 24 hrs ka di pwede malamigan tiis lang.

Ako din nakitaan ng sintomas ng covid ganyan ginawa ko.
 
Bro kwento ko lang halos lahat kami dito sa bahay nagkaroon ng symptoms ng Covid like, nawalan nang panlasa, nagkaubo at sinat. Hindi na namin pinaalam sa iba baka kasi alam nyo na daming chismoso't chismosa. Hindi na rin kami nagpaswab test kasi malakas naman immune system namin at kayang labanan. Hindi rin kami hirap huminga kaya assymptomatic lang yung naranasan namin. What we did para mawala tong virus na 'to bumili kami ng gamot pangontra sa ubo, sipon at sinat like biogesic, amoxixilin basta mga ganyan. Pinakamabisa na pantanggal talaga is yung SUOB (STEAM) araw araw namin ginagawa 'yon promise it's legit. Syempre, hindi mawawala yung dasala kay God. Wag kang kabahan bro hindi naman sa 'ganon katakot kasi kung alam mo naman sa sarili mo na malakas immune system mo kakayanin mo. Mga 1-2 weeks nawala yung nararamdaman namin basta continous lang yung paginom ng gamot at yung pagSUOB promise legit talaga yan. Kain ka rin ng gulay para mas lumakas resistensya mo. Hope this would help you. Get well soon bro. Mawawala rin yan.
 
Legit yang suob na yan kasi kami nagkaroon din ng case ng covid halos lahat kami dito sa bahay promise legi 'to suob lang talaga yung mas mabisa pampatanggal.
 
Yan yung sinsabi ng mga doctor or nurse na "Asmyptomatic" yan ang mga pasyente na walang panlasa, pangamoy.

Wag kang matakot ksi maalis din yan bigyan mo 1month observed yourself. If hindi maalis sa loob ng 1month, that is the time to checkup.
 
Good morning boss,

Nagka covid din me yan ung unang naranasan ko, nka2takot talaga na mgpa swab pero mas inisip ko kasi ung pamilya ko kaya umiwas muna ako sa kanila, kung may kwarto jan sa inyo better stay muna ng mga 15days, tama yung mga payo ng ka PHC ntin yung suob, laking tulong nun at magpaaraw ka sa umaga, breathing exercise, lemon with ginger, basta palakasin mo lang immune system mo, mwa2la rin yan, at higit sa lahat pray. Kaya mo yan boss.
 
way back mga 2017 wala pa Covid pandemic nangyari sa akin yan nilagnat ako at nawalan ng panglasa at pangamoy di ako nag-panic kasi sabi ko nga wala pa covid noon, pero gumaling naman ako. Sana ganon din sayo, iba-iba rin causes at syptoms ng mga sakit e. Pero para sigurado wag ka muna labas at iwas contact kahit sa pamilya mo. Kung ayaw mo pa-check, home quarantine ka muna. Pero sa totoo lang "your safety is your family's safety sa well".
 
Paps same tayo ng na experience, eto ginawa ko maglaga ka ng luya paps tapos lagyan mo ng calamansi tapos inumin mo 2x a day morning night babalik agad yan
 
Ako nga palagi ,kulang panlasa at amoy. Nong april pa ito ,kain ka po mga nilaga na gulay Yong fern ,malungay ,at talbos ng kamote ilaga mo lang lagyan mo itlog at konting lemon effective sa GERD ko baka gerd lang yan mga kulang pan lasa amoy .acid reflux
 
Makinig ka po kay Bro. Eli soriano tatatag ang immune system mo sa salita ng Dios sa pamamagiran ni bro. Eli iluhod mo po sa Dios ng lihim ,iiyak mo sa Dios.effective saakin wag na mag ml o anong kalayawan gagaling ka at tumalima ka sa magulang mo may pangako ang Dios hahaba buhay mo sa lupa .Biblically speaking yan ay kung naniniwala ka sa Dios .✌️✌️✌️♥️♥️♥️
 
Wala naman ako exposure sa iba lods, sa totoo nga lng taong bahay lang ako. Bigla na lang ako nagkatrangkaso.☹️
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top