What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Covid ecq new normal?

rneworder

Addict
Established
Joined
Nov 13, 2015
Messages
273
Reaction
534
your opinion hanggang kelan kaya tayo ganito:

parang aabutin tayo ng taon parami ng parami lalo nagkakaroon.
maraming nawawalan ng hanap buhay at natatanggal.
 

THG Pogi

Eternal Poster
Pag naghihigpit nagrereklamo pag naman walang ginagawa nagrereklamo din. Wala ng ginawa mga tao kundi magreklamo sa gobyerno e mismong sila di nasunod
 
Comment

rneworder

Addict
di sila takot at naniniwala kaso sinasama sa list ng covid kahit hindi covid
hihintayin pa may magkaron na kakilala okaya sila mismo magkaron bago madala
 
Comment

alist1986

Forum Veteran
Para maliwanagan po kayo, yung "new normal" sa ayaw natin at gusto ay yung mamuhay habang ang COVID-19 ay nasa paligid pa, habang nag-iintay sa paggawa ng aprubadong vaccine nito. "For better or for worst" po ito dahil yung initial na mga hakbang ng gobyerno ay di sapat para malabanan yung pandemic. Yung mga delikadong lugar na lang ang kanilang pinagtutuunan ng pansin at yung ibang teknikal na detalye ay sila na lang yung may kontrol nyan. Alam na po dapat natin ito. Hindi man natin tanggap yung mga resulta sa ngayon ay tanggapin na lang po natin yung katotohanan muna at itama yung mali mula sa ating kakayahan.
Kung tutok tayo sa nangyayari mula sa simula, sa tumatakbong "COVID-19 cases", yung naka-ikot na mga detalye sa balita dito at sa ibang bansa, ay malalaman natin yung malapit sa katotohanan na pagsuri kung nasaan na tayo para makapag-isip kung ano yung tamang pamamaraan para "mabuhay" sa ating pagsisikap. Sa madaling salita ay "matira matibay". Limitado man tayo sa mga pangangailangan, oras na sigurong tulungan natin ang ating pamilya at sarili, habang nag-ingat sa panganib ng virus. Hindi naman lahat ng lugar ay delikado, pero alam na dapat natin kung ano ang gagawin kung nasa peligro - common sense po.
Kung tatanungin ninyo kung kailan matatapos ay wala kayong makukuhang eksaktong sagot kundi tingnan yung trends sa parameter tracker ng sakit dito at sa ibang bansa. Magkaroon man ng vaccine sa mga susunod na buwan ay malamang maraming buwan din po tayo mag-iintay dahil iintayin pa natin yung epekto ng "herd immunity" para malaman kung safe na ang tao kung sakali. Global scale po yung COVID-19 at milyong tao ang naapektuhan. Kaya malaking pasensya na lang, pag-unawa at ibayong pag-iingat para sa lahat.
 
Comment

Kim Da-hyun

꧁☬ ţ σ к ᗯ 𝓐 ☬꧂
Nung wala pang sampu yung cases ng covid, takot na takot yung mga tao to the point na nag panic buying na yung iba. Pero ngayong sobrang dami na, mga tao ngayon akala mo naka-aegis na. 😂
 
K
Kim Da-hyun

Yep. Ang problema lang din e, mas uunahin pa ng mga tao na magreklamo kaysa sumunod sa kung ano yung ipinaguutos ng mga nakaupo.
 

Online statistics

Members online
784
Guests online
959
Total visitors
1,743

Forum statistics

Threads
768,462
Messages
15,203,566
Members
1,410,481
Top