What's new

Closed Covid ecq new normal?

Status
Not open for further replies.
Pag naghihigpit nagrereklamo pag naman walang ginagawa nagrereklamo din. Wala ng ginawa mga tao kundi magreklamo sa gobyerno e mismong sila di nasunod
 
di sila takot at naniniwala kaso sinasama sa list ng covid kahit hindi covid
hihintayin pa may magkaron na kakilala okaya sila mismo magkaron bago madala
 
Para maliwanagan po kayo, yung "new normal" sa ayaw natin at gusto ay yung mamuhay habang ang COVID-19 ay nasa paligid pa, habang nag-iintay sa paggawa ng aprubadong vaccine nito. "For better or for worst" po ito dahil yung initial na mga hakbang ng gobyerno ay di sapat para malabanan yung pandemic. Yung mga delikadong lugar na lang ang kanilang pinagtutuunan ng pansin at yung ibang teknikal na detalye ay sila na lang yung may kontrol nyan. Alam na po dapat natin ito. Hindi man natin tanggap yung mga resulta sa ngayon ay tanggapin na lang po natin yung katotohanan muna at itama yung mali mula sa ating kakayahan.
Kung tutok tayo sa nangyayari mula sa simula, sa tumatakbong "COVID-19 cases", yung naka-ikot na mga detalye sa balita dito at sa ibang bansa, ay malalaman natin yung malapit sa katotohanan na pagsuri kung nasaan na tayo para makapag-isip kung ano yung tamang pamamaraan para "mabuhay" sa ating pagsisikap. Sa madaling salita ay "matira matibay". Limitado man tayo sa mga pangangailangan, oras na sigurong tulungan natin ang ating pamilya at sarili, habang nag-ingat sa panganib ng virus. Hindi naman lahat ng lugar ay delikado, pero alam na dapat natin kung ano ang gagawin kung nasa peligro - common sense po.
Kung tatanungin ninyo kung kailan matatapos ay wala kayong makukuhang eksaktong sagot kundi tingnan yung trends sa parameter tracker ng sakit dito at sa ibang bansa. Magkaroon man ng vaccine sa mga susunod na buwan ay malamang maraming buwan din po tayo mag-iintay dahil iintayin pa natin yung epekto ng "herd immunity" para malaman kung safe na ang tao kung sakali. Global scale po yung COVID-19 at milyong tao ang naapektuhan. Kaya malaking pasensya na lang, pag-unawa at ibayong pag-iingat para sa lahat.
 
Normal lang pong nangyayari yan sa bawat sulok ng mundo dahil sa matinding gulat, pagkabalisa, at labis na takot sa isang bagong sakit na wala pang lunas. Dahil sa stress, gawa ng samut-saring mga personal na dahilan ay nauuna yung "panic reaction" sa halip na alamin muna yung tamang impormasyon tungkol sa sakuna. Yan yung tinatawag na "mental health" issue tuwing may isang epidemya. Kalaunan ay umiimpis na yan kapag marami na yung nabigyan ng sapat na kaalaman at tulong upang makayanan ang stress na yan.
 
[XX='alist1986, c: 41315, m: 252988'][/XX]
Yep. Ang problema lang din e, mas uunahin pa ng mga tao na magreklamo kaysa sumunod sa kung ano yung ipinaguutos ng mga nakaupo.
 
Correct. Pero sana noon pang kakaunti yung KAYA nilang babantayan sa contact tracing/surveillance/testing, which should have worked to "contain" the outbreak. Other countries did it efficiently with low cost methods. But our scheme failed for so many reasons.
Sa nakikita ko, we're just the same as other countries with the same dilemma controlling the "stats" based on our limited capabilities/resources (as the spread was still a threat) while waiting for a cure with no immediate date! Thus the "new normal" was applied - to live with it while "containing" it here in PH. Magulo di ba?
 
Hangga't maaari, pinipigil kong maging negatibo, pero as a retired professional hindi ko malubos maisip na sa laki ng perang ginagastos para sa isang importanteng task ay klaro na hindi pa rin nila kontrolado yung galaw at tamang hakbang sa sistemang kanilang pinanghahawakan. We know the methods (yung "hierarchy of controls of an epidemic") but we can't make it work, pero di ko naman nilalahat pre. Kung nasubukan mong himayin yung "DOH COVID-19 data drop files" simula noon hanggang ngayon, mawawalan ka ng gana at isang-tabi na lang mga yan dahil mali yung kanilang forecast sa pandemic dito. (Dati-rati, halos tapos na yung daily forecast pati files by 9 pm, pero bago mag-end ng May ay delayed na parati ng 2-3 days ng lumabas yang "fresh" at "late" cases. Ang hirap ng basahin at parang sila na lang yung nakakaiintindi noon.)
Doon sa mga mulat ang isip, tama yung sinabi mo pre, politics made it uncoordinated, slow, inefficient and not trustworthy. They are pointing fingers amongst themselves (and the ignorant people too) because they could not find any more alibis for a lost cause. Sad to say, it's clearly "poor leadership" for this outbreak situation, pero hindi ganoon kadaling sabihin din yan dahil kahit saang sulok ng mundo na mas advanced pa kaysa sa atin ay ganito rin ang nangyayari - on the average. Kung napansin ninyo, napako na yung PH sa rank na 38 - 40 for 2 months na - still hanging by a thread. Kung patuloy pa ito, mag-intay na lang nga tayo ng vaccine.
Sana, may "kamay na bakal" na isip na sumalba sa problema natin.
 
Yung sinabi ko na "politika", i mean na they prefer saving faces than doing bold things.

Kagaya nang ginawa dati nang Marikina noong bago pa mag lockdown na gumawa nang sariling test center, alam nila na dadami yung infections at ma overwhelm yung limited test lab nang Pinas.

Nagawa na yung testing center sa Marikina, pero ayaw ito approve nang DOH at nag maka-awa pa yung Mayor sa Media na pansinin nang DOH yung testing center nila at noong nag viral na saka na pumunta yung DOH.

Madami pang example na politically related reasons, isama mo narin yung mga politiko na takot mag ban sa mga Chinese tourist at imbis na mag produce nang local mask and other health gears ay gusto pa magpa-bango sa Tsina at doon pa bumili.

Isama mo narin yung mga destabilizers o political oppositions na nag take advantage sa epidemic na masyadong halata.
 
I agree bro, mabagal yung ating galaw dahil sa sobrang kumplikadong proseso sa pagsunod sa DOH sa protocols nila, na sila lang yung nakakaalam kadalasan. Kulang talaga sa diskarte. Sa sinabi mo, sinayang nila yung ilang linggo, na crucial para mapabilis yung testing habang maghanap ng malipatan. Kaya yung LGUs at support group ay laging na-delay kung sakaling may gagawing mga quick fixes sa kanilang areas. Masyadong by-the-book at playing safe. Kaya sila ngayon ang naiipit, na di na nila malulusatan pa.
Sa tingin ko lang, sobrang dami ng hinahawakang agencies ng DOH na dapat ay sub-divided doon sa grupo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), atbp. kaya sila nagagahol at walang total control sa mga dapat nilang pagtuunan ng pansin. Wala din tayong CDC (Center for Disease Control) na dapat ay minadali bago pa magkaroon ng 1st confirmed case. Kaya bagsak sila sa leadership at implementation. Yung early response natin ay sa salita lang talaga, dahil nayari na tayo noong February ng SARS-COV2 ng di natin alam (dahil ang ganda kasi ng record he he), kaya noong March ay ginulat na tayo hanggang sa ngayon. Kaya kung maraming masisilip na mali sa mga ahensya ng gobyerno lalo na yang DOH, marami rin sa mga politiko yung hahanap at hahanap ng butas para umalingawngaw kahit hindi naman kailangan - COVID-19 related man o hindi.
At least, nakikita natin talaga kung yung mga nakaupo sa gobyerno ay karapat-dapat ba o hindi. Lessons na lang ito lahat sa susunod na pandemic.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top