14 PERSON'S UNDER MONITORING SA COVID-19, NAITALA SA LUNGSOD NG CAUAYAN!
Nasa labing -apat (14) na Person’s Under Monitoring ang kasalukuyang binabantayan sa Lungsod ng Cauayan na may posibilidad sa Coronavirus disease o COVID-19. Ito ang ibinahagi ni Ginoong Errol Maximo, tagapagsalita ng Task Force COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan, Ang 14 na PUM’s ay ibinigay aniya ng Bureau of Quarantine na kailangang imonitor sa bawat barangay sa Lungsod kung saan narito ang mga nasa listahan.
Kina-kategorya aniya ang mga ito na person under monitoring dahil nagmula sila sa ibang bansa habang itinuturing naman na PUI kung sila ay galing sa mga areas na identified ng DOH sa COVID-19 gaya ng Hong Kong, Macau at China at kasalukuyang nakakaranas ng sipon, ubo, hirap sa paghinga at lagnat. Una nang nakapagtala ang Lungsod ng 2 PUI na galing ng Hong Kong at Macau subalit nag-negatibo rin ang mga ito sa COVID-19. Sa ngayon ay nananatiling ‘COVID Free’ ang buong Lambak ng Cagayan.