What's new

Help COC account was removed from the Gmail, according from the buyer

Status
Not open for further replies.

Martin Mystery

Eternal Poster
Established
Joined
Aug 30, 2017
Posts
844
Solutions
6
Reaction
410
Points
325
Hello mga boss help po sa mga master dyan lalo sa mga veteran players ng COC (Clash of Clans). Meron ako pinsan na nagbenta ng coc matagal na then after ilang months o weeks not sure, ay nag rant yung buyer. Ang probema niya wala daw yung coc doon sa gmail after niya ibenta sa iba yung account at haka ng unang buyer is ni-retrieve ng original owner gamit customer support.

Scenario:
Yung pinsan ko may binentang account matagal na, then binili ng buyer1. Tapos yung buyer1 na bumili is binebenta nya kay buyer2.
Kaso si buyer1 kapag bubuksan nya daw yung coc account gamit gmail is wala naman daw yung coc.
Ang haka ni buyer 1 ay ni-retrieve daw nung original owner yung account gamit yung customer support para ma unbind sa gmail. Yung original owner kasi is yung pinsan ko. Ang sabi naman ng pinsan ko ay wala na man daw siyang ni retrieve at matagal na siyang nag uninstall ng coc.


Ngayon yung problema,
Yung buyer kapag daw mag l-login sa coc gamit yung gmail is wala yung COC account. Base naman sa pinsan ko wala naman daw siya ni-retrieve. Then yung gmail na ginamit is andoon pa rin kay buyer1 wala nga lang coc.



Tanong ko lang at pa help po mga boss

- Pwede ba mapalitan yung gmail na naka bind sa coc gamit customer support? At kung pwede may requirements ba?

- Maari bang mawala sa isang gmail yung coc account?

- May way kaya paano ma recover yung account at nandoon pa rin naman yung gmail kay buyer1? (Pwede hiramin yung gmail I think open naman sila sa cooperation, wala nga lang talaga yung coc ayon sa kanila)

- Anong pwedeng mgaing gawin na solusyon mga boss,
->base kasi doon sa kinausap ko sa video call ni-retrieve daw ng original owner yung coc account gamit yung mga old info through customer support.


Hindi ko kasi alam kalakaran ng coc mga boss tapos sa akin nagpatulong pinsan ko ginugulo daw siya ni buyer1 at wala daw yung coc account doon sa gmail (Nalalaro nya yun before pa ngayon lang daw biglang nawala).

Sana ay may insights po kayo and help narin sa current situation. Salamats


Edited: Di ko alam ano nangyari sa pinsan ko at buyer pero yung nakikita ko is hindi mawawala yung gmail sa google play sign in more possible is supercell id sila nagka problema.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top