What's new

Chuwi LapBook ρrø Review (Feedback after 2 weeks of use)

haruhisuzumiya

Established
61LdLJ4RyAL._AC_SY450_.jpg

Chuwi LapBook ρrø 8GB/256GB - Laptop 14.1" [CELERON N4100 SSD GRAY]​

SPECIFICATIONS:
Brand: CHUWI
Classification: Ultrabook
Material of back cover: Magnesium Aluminum Alloy
Battery / Run Time (up to): 8 hours video playing time
Core: Quad-Core
CPU: Intel Gemini Lake N4100
Graphics Chipset: Intel UHD Graphics 600
OS: Windows 10
External Memory: TF card up to 128GB (not included)
RAM Type: LPDDR4
RAM: 8GB
ROM: 256GB SSD
Support Network: Dual WiFi 2.4GHz/5.0GHz
WIFI: 802.11 a/b/g/n/ac wireless internet
Screen size: 14 inch
Display Ratio: 16:9
Screen resolution: 1920 x 1080 (FHD)
Camera: 1.0MP
Backlight Type: Backlit keyboard


Review after 2 weeks of usage
1633228412102.jpeg
1633228451581.jpeg
1633228503886.jpeg


Binili ko nung September 20 sa pcexpress sa megamall for 16,999 (full cash payment - 18,999 kapag hulugan). Una kong nakita recommendation ng chuwi aeroobook sa yt then sunod is yung lapbook ρrø, ito yung pinagpipilian kong bilhin and nung nagpunta kami sa sm megamall sold out na daw mga chuwi laptop. Hinanap ko yung pc express kasi nagpunta ako sa site nila beforehand at may stock daw sila, buti nakita ko store nila so ayun binili ko na kasi iisa na lang daw.

For 16,999, maganda na siya and meron ding freebies na bag at wireless mouse. Yung bag is hindi yung usual na chuwi na ini-expect ko kasi naubos na daw so pcexpress yung bag, okay lang at least meron. Una kong napansin nung ginamit ko siya pag-uwi is ang bilis uminit ng left side kahit na nanonood lang ako sa yt, sa may cpu kasi fanless to kaya napabili ako ng mini fan. Minsan lag din kapag 4 to 5 programs nakabukas (adobe acrobat, chrome, file manager, MS word/ppt - usual na gamit ko for school) pero tolerable naman and syempre ano pa ba ini-expect for a budget laptop. Ang maganda is napakalinaw since FHD nga 1920 x 1080 and resoluation niya, compared naman sa dell laptop na meron ako na 1080 x 720 lang (28k yun). Yung speaker is okay lang, hindi sobrag hina hindi rin sobrang lakas pero prefer ko kasi yung malakas. Ang pinakamaganda dito is yung design and screen niya, kasi ang sleek at stylish ng dating sobrang nipis (fanless kasi at apat lang ports - power (type C), USB 3.0, headphone jack at micro HMDI) at sabi nga ng ibang users, mukang macbook. Pero kailangan ko bumili ng USB hub. Yung sa screen naman ang ganda ng visual quality kasi full laminated yung screen at super narrow ng bezzel.

So far, maganda siya for minimal use especially sa klase. Okay sa gmeet at zoom, okay din sa MS office at mga browsers. I tried gaming using gameloop, I installed COD and medyo kaya niya naman? low resolution at frame rate syempre pero kapag bored na at wala na magawa pwede na pagtiyagaan. Pinaka nagustuhan ko dito is kapag nanonood ako kasi fully laminated FHD display talaga (sa second week medyo hindi na umiinit kapag nanonood). Okay din para saken yung backlit keyboard lalo na kapag magrereview ako sa gabi. For a budget laptop, good siya lalo na for students.

Pros
  • Budget-friendly
  • FHD display
  • Backlit keyboard
  • Can run 3 to 4 programs simultaneously
  • Decent battery life

Cons
  • Fanless kaya mabilis uminit
  • konti lang ports
  • medyo matagal mag charge
  • low quality cam, 0.9 mp (expected na to kaya need bumili ng webcam pero ang problem pa din is yung port)
  • Need malapit sa wifi para madetect

Other reviews:
Nanood ako sa yt at nag search pa ng mga reviews about lapbook ρrø and chuwi laptops in general and ito yung mga common problems (na hopefully hindi ko ma-expereince kaya super ingat ako):
  • Sudden black/white screen
  • Screws and parts falling apart - *****ed hinges after a few weeks/months of usage
  • Stopped working after updating BIOS
  • Overheating (ito talaga problem ko din pero may mini fan naman)
  • Touchpad not working
  • Battery drains fast and charging problem (won't charge)
  • Slow hard drive/performance
  • Hard drive failure
  • System failure
  • Usually lasts for 3 months, pero yung iba is umaabot naman daw ng 2 years max (nasa pag-iingat siguro)
  • Warranty problem and terrible customer service - no spare parts for replacement

Yung overheating lang naranasan ko pero less na ngayon dahil sa mini fan at hindi ko ginagamit kapag nag charge kasi sobrang init. Yung the rest, nakakatakot haha sana hindi ko maranasan. Last year of college naman na ko sakto lang, need ko lang for research and sycnhronous class so feeling ko tatagal naman. Pag-iingat is the key.
 

Attachments

Online statistics

Members online
1,618
Guests online
1,200
Total visitors
2,818

Forum statistics

Threads
1,236,643
Posts
21,685,524
Members
1,617,302
Attachments
1,742,525
Profile posts
100,364
Top