Sulit po ba yung aqua s9? Balak po kase bumili bilang cellphone ni papa. Di naman po sya gamer kaya naisip ko po pwede na yon sakanya. Malinaw naman yung cam nya at malaki na storage para sa presyo nya na almost 4k. Tanong na rin kung ano experience ng mga user ng aqua s9 thanks.
Naka order ako niyan. 60gb yung internal niya with cherry sim, panggift ko sa mga pamangkin ko, pang mid users pero yung camera lang ayaw ko mas clear pa yung shot ng old iPhone 5 ko hehe
Sa murang halaga nabasa ko yung specs ok naman yan.
5k mha yung battery kaso wala akong tiwala sa cherry mobile, 4k php lang ganyan battery.
Also sa camera, hindi kagandahan talaga camera nyan.
Sa budget mo kasi hindi ka masyadong makakapili. Ok naman yan ts since hindi gamer papa mo. Pero kung may malapit dyan na xiaomi store hanap ka mga old models. Not good for gaming pero ok na for average use then bilhan mo nalang ng sd card para lumaki storage.
Kung walang xiaomi store malapit sa inyo then yan talaga best choice sa budget mo.
5k mah pero di ako tiwala baka fake number lang yun. 4k php price point 4/64 na 5k mah pa battery.
Yung update din wala talaga once or twice lang after nun wala nang software update kapag budget phone sa flagship siguro regular pero kung may pambili ka nung high specs ng cm why not go for mid range ng ibang brand.