foxboy2005
Honorary Poster
- Joined
- Feb 26, 2015
- Posts
- 374
- Reaction
- 83
- Points
- 146
Noong buhay pa siya, yan ang gawain nya, pinoprovoke kami ng mga kapatid ko specially ako. Lahat kami mga lalaki at walang babae. Mama ko almost araw2x ng susugal ng mahjong. Government employee siya at admin pa pero kahit hindi pa tapos yung duty nya sa trabaho umaalis agad at nagsusugal. Provider naman yun kaso nga lang sinasamahan nya ng sama ng loob kahit pagbibigay lang ng baon or sustento. Okay naman ang papa ko mabaet at relihiyoso at mataas din ang rango sa government kaso tong mama ko lagi kami pino-provoke. Minsan sinasabihan na ng papa ko na "nasa bibliya yan "do not provoke your children"" pero ganun pa rin ginagawa nya. Eto ha di ko na sasabihin sana kasi nga matagal ng patay yun at matanda na rin ako pero nagfaflashback talaga sa isip ko yun. Oo tama, kalitmutan na lang natin yun mga mapapait na nakaraan pero tao lang tayo na binigyan ng utak/isip ng Panginoon na magisip, magkakaroon ng Psychological or emotional damage. Ayaw ko sabihin sana to pero gusto ko lang maipalabas ang sama ng loob dahil wala akong masabihan. Sana unawain nyo na lang po kung bakit ako nagkakaganito. Tama, mahalin natin ang ating parents hanggang buhay pa sila pero minsan pano natin mamahalin kung ganun naman ang ginagawa nya sa amin? Di naman tayo robot na hindi magkikimkim ng sama ng loob lalo na't normal lang tayo na iniluwal sa mundo pero sana rin mahalin tayo. Tama, pasalamat nga ako dahil marangya ang pamumuhay namin noon pero hindi rin namin kasalanan na naging marangya kami noon. Kahit kung payak man aming pamumuhay, mauunawaan ko din naman yun dahil maiintindihan ko ang status nila basta mabuti lang ang pagpapalaki sa amin at may kasamang pagmamahal. I was lacking of love before and care. Minsan pa dahil sa mosmos pa lang ang isip ko, may ginagawang katarantadohan ang anak ng kapitbahay sa akin. Pero alam mo ang mas masakit? Sinabihan lang ng mama ko ang ante ko na nakababatang kapatin ng papa ko na syang nagaalaga sa akin noon na kahit di na daw ako hanapin yun lang nakababatang kapatid ko. Nalaman ko yun nang matanda na ako na sinabi yun ng ante ko sa akin. We all have the right of care and love at pagpapaunawa sa mismong lumuwal sa atin sa mundong ito at yun ang nakulang sa akin. Kung maiitatanong, nagpasalamat at nasayahan ba ako dahil patay na siya? Oo at Hindi, hindi dahil mama ko yun eh, at oo dahil meron na ako peace of mind kasama sarili ko na pamilya.