Conclusion ko lang. Ang ipinaglalaban ng kabilang group is ang ideology po ng gender binary bilang normal at natural. So anything na labas sa ganoon ideology, against po sila. Ang inaayawan po nila is family extinction raw. Conclusion ko din na kahit hindi man aminin, ang nakikita ko ay meron silang fear na mabago ang norms and it is a reason why ayaw po nila na mag-intrude ang mga non-binary kung ano ang normal na ginagawa sa araw-araw na nabubuhay tayo as human. Halimbawa, normal ang biologically lalake at babae na magkaroon ng procreation pagkatapos kapag mag-iintrude na po ang mga non-binary, ayaw na po nila dahil parang lumalabas na hindi naman normal ang non-binary sapagkat wala silang procreation. And anything na gagamitin ng field of science or anything para magkaroon ng procreation ang non-binary, against uli sila dahil nga for them is not normal at wala silang procreation.
Ang labas ay ini-exclude sila o dini-deny sila bilang hindi parte ng norms ang mga non-binary po, kung kaya, huwag na sila manghimasok. Kung baga, know your place. Diyan lang sila sa pwesto. Forever.
All in all, eehh.... diba? Lumalabas talaga na prejudice at discrimination na hindi nila katulad na mga gender binary po. Kung baga sila ang nasa tuktok at most important part of the society pero ang non-binary ay less important na po and not included na po.
Iyon lang ang nakikita ko. No wonder limited ang rights from non-binary po.
Kaya kung mapapansin. Ayaw nila na meron gay and lesbian marriage in a church, gay and lesbian pronounce gender, ayaw nila na sumasali ang transgender man sa sports ng lalake at ganoon din sa transgender woman sa sports ng babae....... marami silang ayaw. Pagkatapos happy sila kapag meron ilan non-gender binary na hindi ma vocal o tahimik o meron mag-aagree sa kanila. Naaalala ko, ang sasabihin nila ay "mabuti itong tao na ito, alam niya kung saan ang pwesto niya" - ganun po.
Iyan lang naman ang over all conclusion ko based sa palitan ng diskusyon dito sa topic mismo.
Nakakalungkot but that is life. I guess, iyan ang issue na hanggang ngayon ay walang solusyon.