The Bible Reader
Honorary Poster
- TS TS
- #21
kaya wag natin paglaban labanin ang bawat verses, alam naman natin ang flow na BAWAL TALAGA.Ang Bibliya ay may sariling interpretasyon sa kanyang sarili
Hindi manggagaling sa labas ng Bible ang interpretasyon ng bawat verses
Since hindi ko naman namentioned sa taas ang Mark 7 which is parallel ng Mateo 15 mabuting pag-usapain nadin;
Sa Biblia ay may dalawang orihinal na salitang ginagamit patungkol sa mga pwedeng kainin at hindi pwedeng kainin. Ito ay ang bromah (malinis) at akatharton (marumi o karumaldumal).
“akatharton” (Gk. ακαθαρτον) – foul, unclean, forbidden (Acts 11:8)
“bromah” (Gk. βρῶμα) – allowed meat, clean, food (1 Corinthians 10:3)
Ano ang pinag-uusapan sa Marcos 7:19, bromah o akatharton?
Isa ang Marcos 7:19 sa paboritong gamitin ng mga Kristiano na ipinapangaral na pwede na raw kainin ang mga ipinababawal noon.
"Sapagka’t hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito’y nililinis niya ang lahat ng pagkain." TAB
Ang salitang "pagkain" sa Marcos 7:19 ay “meat” ang pagkakasalin sa English. Sa original na language ay bromah ang pagkakasulat.
"οτι ουκ εισπορευεται αυτου εις την καρδιαν αλλ΄5 εις την κοιλιαν και εις τον αφεδρωνα εκπορευεταιG1607 καθαριζον παντα τα βρωματα" LXX Septuagint.
Ibig sabihin ay ‘malinis na pagkain’ ang nasa isip ni Jesus sa topic na iyon. Walang akatharton na nilinis sa Marcos 7:19. Kung magkagayon ay ganito ang mababasa natin:
"Sa salitang ito’y nililinis niya ang lahat ng bromah (malinis)."
Bakit lilinisin ang malinis (bromata)?
Bakit lilinisin ang malinis na? Ayon po kasi sa context ng Marcos 7 ay nadumihan ang bromah (malinis) dahil sa kamay na hindi nahugasan.
"At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay ng mga kamay na marurumi, sa makatuwid baga’y mga kamay na hindi hinugasan." Marcos 7:2
Kultura kasi ng mga Judio na magiging ceremonially unclean ang mga pu-pwede naman ngunit nadumihan.
Marcos 7:3 (Sapagka’t ang mga Fariseo, at ang lahat ng mga Judio, ay hindi nagsisikain, kundi muna mangaghugas na maingat ng mga kamay, na pinanghahawakan ang mga sali’t-saling sabi ng matatanda;
Mar 7:4 At kung nagsisipanggaling sila sa pamilihan, kung hindi muna mangaghugas, ay hindi sila nagsisikain; at may iba pang maraming bagay na kanilang minana, upang ganapin; gaya ng mga paghuhugas ng mga inuman, at ng mga saro, at ng mga inumang tanso.)
Dahil sa nadumihan na ay hindi na dapat kainin o gamitin. Ang sabi sa talata ay hindi makakaapekto directly sa kaligtasan ng tao iyong pagkain na nadumihan ng maruming kamay.
Tinapay at hindi baboy (o anomang akatharton) ang pinag-uusapan sa Marcos 7:19
Dahil sa paggamit natin ng original na salitang ginamit ay mas malinaw sa atin ngayon kung ano ang pinag-uusapan sa talata tulad nitong sa Marcos 7:19, wala palang akatharton na pinag-uusapan dito.
Kaya mali na i-aral na nilinis na daw ni Jesus ang mga akatharton (o itinuturing na marumi bilang pagkain) kasama ang baboy, alamang, crab, pating, shrimp, aso, ahas, etc.
Dagdag pa nito ay"tinapay" ang pinag-uusapan sa Marcos 7, hindi baboy, aso o anu pamang akatharton.
“At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay ng mga kamay na marurumi, sa makatuwid baga’y mga kamay na hindi hinugasan." Marcos 7:1 TAB
Idinagdag ng mga tagapagsalin
Kung titingnan ang mga naunang salin ng Biblia tulad ng King James Version ay wala dito ang mga katagang "dahil dito ay nililinis na ni Jesus ang lahat ng pagkain". Ito ay idinagdag na lamang ng mga tagapagsalin.
"Because it entereth not into his heart, but into the belly, and goeth out into the draught, purging all meats?" KJV
Nawa ay maluwalhati natin ang ating Manlalalang maging sa ating pagkain.
"Kaya kung kayo’y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios. " 1 Corinto 10:31.
Ang Dios ang dapat nating sundin at hindi ang ating panlasa o tiyan.
"Kapahamakan ang kahihinatnan nila dahil dinidios nila ang kanilang tiyan." Filipos 3:19
Ipinapakita rin sa atin ni Isaias na ang pagkain ng baboy at iba pang hindi dapat kinakain ay isa sa mga activities na ginagawa ng mga hahatulan ng Dios sa kapahamakan.
"Ang sabi ni Yahweh, "Malapit na ang wakas ng mga naglilinis ayon sa tuntunin ng pagsambang pagano, sumasama sa nagpuprusisyonpatungo sa mga sagradong hardin, at kumakain ng karne ng baboy, daga at iba pang hayop na marumi." Isaiah 66:17 MBB.
Tandaan po natin na nahulog si Adan at Eba sa pagkakasala dahil sa pagkain.
May sariling interpretasyon kasi si ts sa bawat verses na nilalatag nyaMay mga bromah at akatharton pa talaga na translation. Alam mo sir The Bible Reader kahit malinis o marumi (karumaldumal) pa yan na sinasabi mo basta pag nakain o kinain mo papasok pa rin yan sa bibig mo at tutuloy sa tiyan at pagkatapos ay idudumi mo. Ganun pa rin yung sinabi ng Panginoong Jesus. Napakaliwanag na nga ng sinabi ng Panginoong Jesus ipaglalaban mo pa rin kahit Diyos na ang nagsabi? Mas higit pa ba ang karunungan ng tao kaysa sa Diyos?
Sige sir tatanungin kita ha, sana sagutin mo ng seryoso. Yan bang sinasabi mo na malinis o marumi na pagkain o kahit hindi itinuturing na pagkain ng mga tao noong panahon ng Panginoong Jesus ay nanggagaling ba sa puso ng tao? Hindi naman di ba. Diyos na nga ang nagsabi sa Mateo 15:18 "Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso, at ito ang nagpaparumi sa tao." Diyos na nga ang nagsabi na yun lang nanggagaling sa puso gaya ng masasamang isipan at gawain ang nagpaparumi sa tao sa mata ng Diyos. Ang pinaglalaban mo naman sir kahit ang sinasabi mo ay hindi pwedeng ipasok sa bibig dahil hindi itinuturing na pagkain eh sigurado akong hindi yan nanggagaling sa puso kasi isang hayop na baboy yan. Tanggapin mo na lang kasi sir ang katotohanan dahil Diyos na ang nagsabi niyan. Salamat.
Yun na nga ang problema sa kanya eh, sa dami ng interpretasyon niya sa mga verses ng bible, dapat mas unahin niya muna ang interpretasyon ng salita ng Diyos bago ang mga propeta o apostol. Diyos na nga ang nagsabi na yun lang mga nanggagaling sa puso gaya ng masasamang isipan at gawain ang nagpaparumi sa tao sa mata ng Diyos ayaw pa rin maniwala. Ang baboy kasi ay isang hayop at hindi naman masamang isipan at gawain kaya pano yan manggagaling sa puso ng isang tao? Simpleng interpretasyon lang ang ginawa ko.May sariling interpretasyon kasi si ts sa bawat verses na nilalatag nya
Ok sige. Hindi itinuturing na pagkain ang BABOY AT IBANG KARUMALDUMAL sa bibliya gaya ng sabi mo.TAKE NOTE: Hindi itinuturing na pagkain ang ginawang kasuklam-suklam ng Diyos sa bibliya.
Hello marcoramiro123 !Ok sige. Hindi itinuturing na pagkain ang BABOY AT IBANG KARUMALDUMAL sa bibliya gaya ng sabi mo.
Pero ito basahin mo.
Mateo 15:18 "Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso. Iyan ang nagpaparumi sa tao."
Diyos na ang nagsabi na yun lang mga nanggagaling sa puso gaya ng masasamang isipan at gawain ang nagpaparumi sa tao sa mata ng Diyos hindi ka pa rin maniniwala? May idinagdag pa ba siyang iba? Sige ganito ha pag may lumabas na baboy sa puso ko kasi sabi ng Diyos basta nanggagaling sa puso ok talagang papayag na akong nagpaparumi sa tao yan sa mata ng Diyos. Pero kasi ang baboy ay isang hayop at hindi naman masamang isipan at gawain kaya pano yan manggagaling sa puso ko? Gets my point? Siyempre naman ikaw pa. Sana maliwanagan ka na.
marcoramiro123May sariling interpretasyon kasi si ts sa bawat verses na nilalatag nya
Who told you Jesus is talking about PORK AND OTHER UNDESIRABLE MEATS in that chapter? Jesus is not talking about what you were thinking. Verse 20 nailed it! Be blessed!May mga bromah at akatharton pa talaga na translation. Alam mo sir The Bible Reader kahit malinis o marumi (karumaldumal) pa yan na sinasabi mo basta pag nakain o kinain mo papasok pa rin yan sa bibig mo at tutuloy sa tiyan at pagkatapos ay idudumi mo. Ganun pa rin yung sinabi ng Panginoong Jesus. Napakaliwanag na nga ng sinabi ng Panginoong Jesus ipaglalaban mo pa rin kahit Diyos na ang nagsabi? Mas higit pa ba ang karunungan ng tao kaysa sa Diyos?
Sige sir tatanungin kita ha, sana sagutin mo ng seryoso. Yan bang sinasabi mo na malinis o marumi na pagkain o kahit hindi itinuturing na pagkain ng mga tao noong panahon ng Panginoong Jesus ay nanggagaling ba sa puso ng tao? Hindi naman di ba. Diyos na nga ang nagsabi sa Mateo 15:18 "Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso, at ito ang nagpaparumi sa tao." Diyos na nga ang nagsabi na yun lang nanggagaling sa puso gaya ng masasamang isipan at gawain ang nagpaparumi sa tao sa mata ng Diyos. Ang pinaglalaban mo naman sir kahit ang sinasabi mo ay hindi pwedeng ipasok sa bibig dahil hindi itinuturing na pagkain eh sigurado akong hindi yan nanggagaling sa puso kasi isang hayop na baboy yan. Tanggapin mo na lang kasi sir ang katotohanan dahil Diyos na ang nagsabi niyan. Salamat.
Ang pinag-uusapan talaga diyan sir ay yung mga ginagawa ng puso na nagpaparumi sa tao gaya ng mga ito: masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri. Meron din bang kasama diyan gaya ng sinasabi mong hayop na karumaldumal?Who told you Jesus is talking about PORK AND OTHER UNDESIRABLE MEATS in that chapter? Jesus is not talking about what you were thinking. Verse 20 nailed it! Be blessed!
Kaya nga, wala namang sinabi dyan na pwede na kainin o nilinis na ang karumaldumal.Ang pinag-uusapan talaga diyan sir ay yung mga ginagawa ng puso na nagpaparumi sa tao gaya ng mga ito: masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri. Meron din bang kasama diyan gaya ng sinasabi mong hayop na karumaldumal?
We use cookies and similar technologies for the following purposes:
Do you accept cookies and these technologies?
We use cookies and similar technologies for the following purposes:
Do you accept cookies and these technologies?