What's new

Closed Bungisngis

Status
Not open for further replies.

erwinc09

Eternal Poster
Joined
Mar 27, 2015
Posts
751
Reaction
285
Points
319
40185230_698717250497769_1667861561974194176_o.png.jpg

Ang Bungisngis ay sinasabing higanteng lalaki na isa lamang ang mata, may malalaking ngipin at may dalawang malalaking pangil. Ang kanyang pangalan ay hango sa salitang ‘ngisi’ dahil palagi siyang ngumingisi at tumatawa. Ang makapal at nakausli niyang pang-itaas na labi ay sinasabing sobrang laki kaya ginagamit niya itong pantakip sa ulo niya na parang sombrero. Malakas ang kanyang pandinig. Sobrang haba rn ng kanyang mga hita at binti kaya kapag nakatingkayad siya mas mataas pa ang kanyang tuhod kaysa kanyang balikat. Sinasabing siya ay nananahan sa kagubatan ng Meluz, Orion, Bataan at may dalang kahoy na pamalo na kanyang ginagamit sa pagpatay sa mga bibiktimahin. Siya ay matakaw sa lahat ng pwedeng kainin mula sa mga hayop, prutas, gulay, bungang kahoy, hanggang sa lutong pagkain. Dahil nga higante, may taglay na ‘di pangkaraiwang lakas ang Bungisngis. Sa kabila ng kanyang laki at kagimbal-gimbal na anyo, ang Bungisngis ay may pagka uto-uto. Ang kanyang kamag-anak sa Northern Davao ay kilala bilang Mahentoy samantalang sa Tayabas, Quezon may katulad na nilalang na kung tawagin ay Bulislis.

Ang Tatlong Magkaibigan – Sina Unggoy, Aso, at Kalabaw

Salin mula sa: Filipino Popular Tales Collected and Edited with Comparative Notes By Dean S. Fansler (1921)

Noong araw may tatlong magkaibigan—sina Unggoy, Aso, at Kalabaw. Sawa na sila sa buhay sa bayan kaya napagpasyahan nilang mangaso sa ibayo. Nagdala sila ng bigas, karne, at ilang gamit pangluto.
Sa unang araw naiwan si Kalabaw sa kanilang kubo bilang tagaluto upang may kakainin ang dalawang kasama sa kanilang pagbalik mula sa pangangaso. Pagkaalis nina Unggoy at Aso, sinimulan ni Kalabaw na magprito ng karne. Subalit ang tunog ng pagprito ay narinig ng Bungisngis sa gubat. Naisip nito na ito na ang pagkakataon upang makakain kaya nagpunta ang Bungisngis kay Kalabaw at sinabing, “Aba, kaibigan, ipinagluto mo pala ako ng pagkain.”
Bilang sagot, sinuwag ni Kalabaw ang nilalang. Nagalit ang Bungisngis sa pagiging madamot ni Kalabaw kaya dinampot niya ito na hawak sa mga sungay at hinagis ng sobrang lakas sa lupa kaya lumubog ang katawan mga hanggang tuhod ang lalim. Kinain lahat ng Bungisngis ang nilutong pagkain at lumisan.
Nang bumalik sina Unggoy at Aso naabutan nilang magulo ang kubo at natagpuang nakalubog sa lupa si Kalabaw. Nagsumbong si Kalabaw na may malaki at malakas na mamang dumating at tinalo siya sa laban. Muling nagluto ng pagkain ang tatlo. Minamanmanan pala sila ng Bungisngis ngunit takot itong sumulong dahil tiyak matatalo ito kung pagtutulungan ng tatlo.
Nang sumunod na araw si Aso naman ang naiwan bilang tagaluto. Pagkaluto ng pagkain, agad na lumapit ang Bungisngis at sinabi rin ang sinabi nito kay Kalabaw. Akmang susugurin ni Aso ang Bungisngis ngunit naunahan siya nito at hinagis. Hindi makahingi ng tulong si Aso sa kanyang kasamahan dahil tiyak na papatayin siya ng Bungisngis. Kaya sumiksik na lamang siya sa isang daku ng kubo at malungkot na pinanood ang paglantakan ng Bungisngis sa pagkain. Pagkaalis ng Bungisngis, dumating sina Unggoy at Kalabaw. Nagalit sila nang malaman na nanggambala na naman ang Bungisngis.
Kinabukasan, si Unggoy naman ang naiwan. Bago magluto naghukay siya ng patibong sa harap ng kalan. Matapos magtabi ng sapat na pagkain para sa kanilang tatlo, nagluto na siya ng bigas sa kalan. Nang dumating ang Bungisngis magiliw na sinabi ni Unggoy, “Ginoo, tamang-tama ang pagdating mo. Handa na ang pagkain at ikalulugod ko kung tatanggapin mo ito.”
Malugod na tkinagat ng Bungisngis ang alok at matapos maupo sa salumpwet sinimulan nitong ngasabin ang pagkain. Hinawakan ni Unggoy ang isang paa ng salumpwet at ubod lakas na hinila dahilan upang mahulog sa hukay ang matakaw na panauhin. Agad niyang tinabunan ng lupa ang hukay kaya nalibing nang buhay ang Bungisngis.
Nang dumating sina Aso at Kalabaw, nagtanong sila tungkol sa Bungisngis. Ayaw pa sanang sabihin ni Unggoy ang sinapit ng Bungisngis ngunit dahil sa pangungulit ng dalawa sinabi niya na nakalibing ito sa harap ng kalan. Ang dalawang mangmang naman ay sinimulang hukayin ang kinasadlakan ng Bungisngis. Mlas at buhay pa pala ito. Tumalon ito mula sa hukay at pinatay si Aso at nilumpo si Kalabaw. Si Unggoy naman ay nakaakyat ng puno kaya nakatakas.
Isang araw habang palaboy-laboy si Unggoy sa gubat, may napansin siyang bahay ng bubuyog sa itaas sa dulo ng baging.
“Ngayon ay mapapatay na talaga kita,” narinig ni Unggoy mula sa kung sinumang lumalapit sa kanya.
Paglingon niya nakita niya ang Bungisngis.
“Maawa ka sa akin,” sabi niya, “at ibibigay ko sa’yo ang katungkulan ko. Inatasan ako ng datu na patunugin ang batingaw diyan sa itaas bawat isang oras,” sabay turo sa itaas ng baging.
“Sige! Tinatanggap ko ang katungkulan,” sabi ng Bungisngis.
“Dito ka muna at alamin ko kung anong oras na,” sabi ni Unggoy.
Nang hindi pa bumabalik si Unggoy, nabagot a kahihintay ang Bungisngis kaya hinila nito ang baging. Agad itong pinalibutan ng mga bubuyog at pinagkakagat. Dahil sa tinamong mga sugat, hinanap ng Bungisngis si Unggoy upang makahiganti. Nahanap nito si Unggoy na nakikipaglaro sa isang malaking sawa.
“Ang sama mo! Huwag ka na magpaliwanag. Mamamatay ka,” bulyaw ng Bungisngis.
“Huwag mo akong papatayin at ibibigay ko sa’yo itong sinturon na bigay ng datu sa akin,” pagmamakaawa ni Unggoy.
Natuwa ang Bungisngis sa makulay na ‘sinturon’ at gusting maangkin ito kaya tugon nito, “Ipulupot mo ang sinturon sa’kin at magiging magkaibigan tayo.”
Nilagay ni Unggoy ang malaking sawa sa katawan ng Bungisngis. Pagkatapos ay kinurot niya ang sawa. Nagwala ang nakapulupot na sawa at sinakal hanggang sa mamatay ang uto-utong Bungisngis.

Reference:
Ramos, Maximo D. (1990) [1971]. Creatures of Philippine Lower Mythology. Quezon: Phoenix Publishing. p. 76.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 4
    Replies
  • 702
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
TouchMe

Online statistics

Members online
547
Guests online
5,270
Total visitors
5,817
Back
Top