What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Food Binagoongang Baka

Y

Yours



BINAGOONGANG BAKA



13087384_1608967926088450_7788254062796470782_n.jpg



Sangkap:

1 kilo karne ng baka (hiwain ng pa cubes pang menudo ang hiwa)
2 knorr beef cubes
4 butil bawang (pinitpit at hiniwa-hiwa)
1 medium pulang sibuyas (hiwain ng maninipis)
1 medium kamatis (hiwain na pang-gisa)
2 kutsara regular na bagoong
1 o 2 kutsarita asukal
1/2 kutsarita pamintang durog
tubig
mantika

Paraan:

Pakuluan po natin at palambutin ang karne sa tubig na may knorr beef cubes. 45 minuto po sa pressure cooker o sa kaldero po ay 2 oras sa mahinang apoy. Kapag malambot na po ay hanguin ang karne sa tubig at itabi muna. Para malaman na malambot na po ay tusukin ng toothpick ang karne.

Sa isang kawali ay gisahin ang bawang, sibuyas at kamatis. Isunod po ang bagoong at asukal. Haluin po ng mga 3 minuto o hanggang sa maluto po yung bagoong. Idagdag po ang paminta. Idagdag po ang karne ng baka at haluin ng mainam para kumalat ang ginisang bagoong sa baka. Patayin ang apoy at isilbi habang mainit pa sa maraming kanin.
]


saraprasapinas
 

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
685
Guests online
1,812
Total visitors
2,497

Forum statistics

Threads
1,039,593
Messages
17,716,246
Members
1,501,542
Comments
853,159
Attachments
1,322,067
Profile posts
96,993
Top