What's new

Closed Binabanggit Ba sa Bibliya ang Purgatoryo?

Status
Not open for further replies.

Arlertz

Eternal Poster
Joined
Jun 13, 2019
Posts
1,138
Reaction
379
Points
324
502017135_univ_lsr_xl.jpg



Ang sagot ng Bibliya

HINDI. Wala sa Bibliya ang salitang “purgatoryo,” ni itinuturo man nito na ang kaluluwa ng mga namatay ay nililinis sa purgatoryo. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Tingnan natin kung ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa kasalanan at kamatayan at kung kaayon ito ng doktrina ng purgatoryo.
  • Ang pananampalataya sa dugo ni Jesus ang naglilinis sa isang tao mula sa kasalanan, hindi ang pananatili nang ilang panahon sa tinatawag na purgatoryo. Sinasabi ng Bibliya na “ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo ni Jesus” at “sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya niya tayo sa ating mga kasalanan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; Pahayag [o, Apocalipsis] 1:5, Magandang Balita Biblia) Ibinigay ni Jesus “ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami” mula sa kanilang mga kasalanan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., MB.
  • Ang mga taong namatay ay wala nang malay. “Alam ng buháy na siya’y mamamatay ngunit ang patay ay walang anumang nalalaman.” (Mangangaral [o, Eclesiastes] 9:5, MB) Ang taong namatay ay walang anumang nadarama kaya hindi siya maaaring linisin ng anumang apoy ng purgatoryo.
  • Wala nang kaparusahan para sa mga kasalanan pagkamatay ng isang tao. Sinasabi ng Bibliya na “kamatayan ang kabayaran ng kasalanan ” at na “ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., MB) Kamatayan ang lubos at hustong parusa para sa kasalanan.


ANO ANG DOKTRINA NG PURGATORYO?
Sa turong Katoliko, ang purgatoryo ay ang kalagayan o lugar kung saan ang kaluluwa ng mga namatay ay nagbabayad sa kanilang di-napatawad na mga kasalanan at nililinis. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Ayon sa Catechism of the Catholic Church, kailangan ang paglilinis na ito upang “matamo ang kabanalang kahilingan para makapasok sa kagalakan sa langit.” Sinabi pa ng Catechism na “ang tradisyon ng Simbahan . . . ay may tinutukoy na naglilinis na apoy,” gaya ng inilalarawan sa kasamang artwork ng artikulong ito. Pero hindi ito itinuturo ng Kasulatan.


SAAN NANGGALING ANG DOKTRINA NG PURGATORYO?
Ang sinaunang mga Griego ay naniniwala sa Limbo at purgatoryo. Dahil naimpluwensiyahan ng pilosopiyang Griego, sinabi ni Clement ng Alexandria na ang mga kasalanan ng namatay ay maaaring linisin sa pamamagitan ng naglilinis na apoy. Pero si Pope Gregory I ang nagdeklara na ang apoy ng purgatoryo ay isang di-mapag-aalinlanganang paniniwala, ayon sa The History of Christian Doctrines. Sinabi pa ng reperensiyang akdang ito na si Gregory, na naging papa mula 590 hanggang 604 C.E., “ay madalas tawaging ‘ang imbentor ng purgatoryo.’” Ipinahayag ng Simbahang Katoliko ang opisyal na turo nito tungkol sa purgatoryo sa mga konsilyo ng Lyons (1274) at Florence (1439) at muli itong pinagtibay sa Konsilyo ng Trent noong 1547.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Iba pang mga tanong:
Ano ang Impiyerno? Isa ba Itong Lugar ng Walang-Hanggang Pagpapahirap?
Sino ang Napupunta sa Impiyerno?
Ano ang Lawa ng Apoy? Kapareho ba Ito ng Impiyerno o ng Gehenna?
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top