Nakaranas po ako ng bangungot actually 3x na ito at lahat po yon ay related sa traumatic experience ko nung bata pa po ako.
My traumatic experience --- Madalas po sa sala ako natutulog nung bata pa po ako. Nakahiga ako noon sa sofa namin inaantok na ako dahil 2am na at nag goodnight na ako sa katext ko that time. Bigla ako naalimpungatan dahil nakita ko yung pinto namin na nasa paaanan ko lang unting-unting bumubukas ng dahan-dahan natakot ako dahil nasa paanan ko lang yung pinto. Biglang may nakita akong ulo sumisilip hanggang nakapasok na siya at tumitingan sa TV set, madaming gamit nakalagay doon. Hanggang tumingin siya dahil ako ang pinakalamapit sa kanya dahil medyo malayo yung pwesto ng mga parents ko na natutulog din sa sala. Nakadilat mga mata ko the whole time pero takot na takot ako. Tapos lumapit siya sa akin ng dahan-dahan nakatingin kami sa isat isa at dahil madilim hindi niya siguro makita na nakadilat ako at kanina ko pa siya nakikita. Nakakatakot yung paglapit niya sa akin kasi yung ulo niya yung nauuna sa pagtingin sa akin. At bigla ako sumigay ng 'magnanakaw!' bigla siya tumakbo at hinabol ko hanggang labas ng bahay namin. Mautak na magnanakaw naka ready na bukas yung gate namin na may spring nilagyan ng upuan para hindi kusang magsara kaya hindi ko naabutan. Kaya etong traumatic experience ko na ito nadala ko hanggang teenage days ko hindi ko pinapapatay yung ilaw sa sala kahit sa kwarto ako natutulog.
Bangungot kaninang umaga lang 5am --- Parang reenactment lang ng traumatic experience ko. Maliban lang sa pagsigaw ko dahil nung sumisigaw ako sa panagip ko kanina para akong pipe may boses ako pero sobrang hina. Ayun lang yung natandaan ko at pagtapos non ginising ako sigaw daw ako ng sigaw ng malakas. Paggising ko medyo hirap ako sa paghinga at medyo masakit yung ****** ko. Masakit din ulo ko dahil siguro kulang ako sa tulog dahil usually 8 or 9 ako nagigising.
Share ko lang hehe