What's new

Closed Bangungot

Status
Not open for further replies.

k4rm4

Eternal Poster
Joined
Dec 1, 2017
Posts
677
Reaction
431
Points
293
Nakaranas po ako ng bangungot actually 3x na ito at lahat po yon ay related sa traumatic experience ko nung bata pa po ako.

My traumatic experience --- Madalas po sa sala ako natutulog nung bata pa po ako. Nakahiga ako noon sa sofa namin inaantok na ako dahil 2am na at nag goodnight na ako sa katext ko that time. Bigla ako naalimpungatan dahil nakita ko yung pinto namin na nasa paaanan ko lang unting-unting bumubukas ng dahan-dahan natakot ako dahil nasa paanan ko lang yung pinto. Biglang may nakita akong ulo sumisilip hanggang nakapasok na siya at tumitingan sa TV set, madaming gamit nakalagay doon. Hanggang tumingin siya dahil ako ang pinakalamapit sa kanya dahil medyo malayo yung pwesto ng mga parents ko na natutulog din sa sala. Nakadilat mga mata ko the whole time pero takot na takot ako. Tapos lumapit siya sa akin ng dahan-dahan nakatingin kami sa isat isa at dahil madilim hindi niya siguro makita na nakadilat ako at kanina ko pa siya nakikita. Nakakatakot yung paglapit niya sa akin kasi yung ulo niya yung nauuna sa pagtingin sa akin. At bigla ako sumigay ng 'magnanakaw!' bigla siya tumakbo at hinabol ko hanggang labas ng bahay namin. Mautak na magnanakaw naka ready na bukas yung gate namin na may spring nilagyan ng upuan para hindi kusang magsara kaya hindi ko naabutan. Kaya etong traumatic experience ko na ito nadala ko hanggang teenage days ko hindi ko pinapapatay yung ilaw sa sala kahit sa kwarto ako natutulog.

Bangungot kaninang umaga lang 5am --- Parang reenactment lang ng traumatic experience ko. Maliban lang sa pagsigaw ko dahil nung sumisigaw ako sa panagip ko kanina para akong pipe may boses ako pero sobrang hina. Ayun lang yung natandaan ko at pagtapos non ginising ako sigaw daw ako ng sigaw ng malakas. Paggising ko medyo hirap ako sa paghinga at medyo masakit yung ****** ko. Masakit din ulo ko dahil siguro kulang ako sa tulog dahil usually 8 or 9 ako nagigising.

Share ko lang hehe
 
tama lang ts na mailabas mo ang problema mo rito sa thread...kaysa i tago mo yan mas lalo mag lala yan...kaya mo yan ts...naranasan ko na rin ang bangungut nung bata ako nung na saksihan ko yung 2bata sa amin na nalunod grabe mga 2 araw ako walang tulog nun dahil sa takot...pero pa unti unti na alis ko yung takot ko....

uy matanong ko lang lalaki ka or babae?
 
Sleep paralysis is when you cannot move or speak as you are waking up or falling asleep. It can be scary but it's harmless and most people will only get it once or twice in their life. Ang bangungot ay kadalasan nangyayari sa mga southeast Asian males, mga Filipinos. Merong impact ang culture at of course, kasama na rin yung pagkain (young matutulog ng sobrang busog nahihirapan yung pancreas na tunawin yung pagkain, namamaga yung pancreas at merong namamatay dahil dito)
 
Naka experience din ako ng ganyan kaso engkanto nga lang tapos sobrang lapit lang nya saken tas yung kuko nya inilapit sa mukha ko then bigla akong nagising then pagkatapos ko iligpit yung higaan namen at nanghilamos ako then pag tingin ko sa salamin may parang marks sa kuko....then naguguluhan na ako kung panaginip ba yon or gising ako non....pero di na ako naka experience ng ganyan dahil may kakilalang datu ang lola ko then ipinasuot yung habak o anting anting....share ko lang din
 
prone po talaga ang bata sa trauma sana hindi na ma-experience ng ibang bata yung napagdaanan natin.
 
Ako naman naka experience dn sa panaginip ko kahapon lang, yung parang pilit ko gsto igalaw katawan ko pero kahit ano gawin ko d ko magalaw parang pagod na pagod na latang lata katawan ko kahit anung gawin ko d ko sya magalaw ,bangungot dn ba pag ganun panaginip? Parang pilit ko gsto igalaw katawan ko kaso wala akong lakas
 
nangyari nadin po sa akin yang sleep paralysis ang masama pa nga nagising ako mula sa bangungot tas may conciousness na ko dahil nakamulat na ako at nakikita ko ginagawa ng mga tao sa bahay pero wala ako maigalaw, tas after mga ilang mibutes siguro dun na ako nakagalaw
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top