What's new

Trivia Bakit Tayo Hinahayaan ng Diyos na Magdusa?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,537
Reaction
7,180
Points
2,913
“Naroon sa langit ang Diyos kung saan ang lahat ng bagay ay kaayaaya, samantalang nandito tayo at nagdurusa.”—Mary.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.


ANG mga kabataan sa ngayon ay isinisilang sa isang malupit na sanlibutan. Waring pangkaraniwan na lamang ang mapangwasak na mga lindol at likas na mga kasakunaan na kumikitil sa buhay ng libu-libo. Ang mga digmaan at pagsalakay ng mga terorista ang nangunguna sa balita. Inaagaw sa atin ng sakit, karamdaman, krimen, at mga aksidente ang ating mga mahal sa buhay. Para kay Mary, na sinipi sa itaas, naging personal at napakatindi ng epekto sa kaniya ng trahedya. Mapapait na salita ang nasabi niya pagkamatay ng kaniyang ama.


Kapag tayo mismo ang naaapektuhan ng trahedya, likas lamang na makadama ng kabiguan, pangungulila, o maging ng galit. Baka iniisip mo, ‘Bakit kailangang mangyari pa ito?’ ‘Bakit ako pa?’ o ‘Bakit ngayon pa?’ Nangangailangan ng kasiya-siyang mga sagot ang mga tanong na ito. Ngunit upang makuha ang tamang mga sagot, kailangan tayong bumaling sa tamang pinagmumulan nito. Sabihin pa, gaya ng sinabi ng isang kabataan na nagngangalang Turrell, minsan ang mga tao ay “lubhang nasasaktan anupat hindi na nila napag-iisipang mabuti ang mga bagay-bagay.” Kaya baka kailangan mong humanap ng paraan para huminahon nang kaunti, upang makapag-isip ka—sa lohikal at makatuwirang paraan.


Pagharap sa Masasaklap na Katotohanan


Maaaring napakasaklap ngang isipin ang hinggil sa kamatayan at pagdurusa, subalit ang mga ito ay bahagi ng buhay. Angkop ang pagkakalarawan dito ni Job nang sabihin niya: “Ang tao, na ipinanganak ng babae, ay maikli ang buhay at lipos ng kaligaligan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Nangangako ang Bibliya ng isang bagong sanlibutan kung saan “tatahan ang katuwiran.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayunman, bago matupad ang kaayaayang mga kalagayang iyon, kailangan munang danasin ng sangkatauhan ang isang panahon ng walang-katulad na kabalakyutan. “Alamin mo ito,” ang sabi ng Bibliya, “sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Gaano ba katagal ang mahihirap na panahong ito? Halos ganiyan din ang itinanong ng mga alagad ni Jesus. Pero hindi sila binigyan ni Jesus ng espesipikong araw o oras kung kailan magwawakas ang sistemang ito ng mga bagay na lipos ng kahapisan. Sa halip, sinabi ni Jesus: “Siya na nakapagbata hanggang sa wakas ang siyang maliligtas.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pinatitibay-loob tayo ng mga salita ni Jesus na magkaroon ng malawak na pangmalas. Kailangan tayong maging handa na batahin ang maraming di-kaayaayang kalagayan bago dumating ang wakas.


Dapat Bang Sisihin ang Diyos?


Kaya makatuwiran bang magalit sa Diyos dahil ipinahihintulot niya ang pagdurusa? Hindi gayon kung isasaalang-alang mo ang pangako ng Diyos na wawakasan niya ang lahat ng pagdurusa. Ni magiging makatuwiran man na madama na pinangyayari ng Diyos ang masasamang bagay. Ang maraming kalunus-lunos na pangyayari ay nagkataon lamang. Halimbawa, gunigunihin mo na ibinuwal ng hangin ang isang puno at napinsala nito ang isang tao. Maaaring tawagin ito ng mga tao na isang gawa ng Diyos. Subalit hindi ang Diyos ang nagpabagsak ng punong iyon. Tinutulungan tayo ng Bibliya na maunawaan na ang gayong mga bagay ay malungkot na resulta lamang ng ‘panahon at di-inaasahang pangyayari.’—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Maaari ring magmula ang pagdurusa sa di-mabuting pagpapasiya. Ipagpalagay nang isang grupo ng mga kabataan ang nagpakasasa sa inuming de-alkohol at pagkatapos ay nagmaneho. Nagbunga ito ng malubhang aksidente. Sino ang dapat sisihin? Ang Diyos ba? Hindi, inani lamang nila ang mga bunga ng kanilang di-mabuting pagpapasiya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


‘Pero hindi ba’t makapangyarihan naman ang Diyos para wakasan ang pagdurusa ngayon?’ baka maitanong mo. Naisip din ng ilang tapat na tao noong panahon ng Bibliya ang bagay na iyan. Tinanong ni propeta Habakuk ang Diyos: “Bakit mo tinitingnan yaong mga nakikitungo nang may kataksilan, na nananahimik ka kapag nilalamon ng balakyot ang isang higit na matuwid kaysa sa kaniya?” Gayunman, hindi kaagad gumawa si Habakuk ng padalus-dalos na mga konklusyon. Sinabi niya: “Ako ay magbabantay, upang tingnan kung ano ang sasalitain niya sa pamamagitan ko.” Nang maglaon, tiniyak sa kaniya ng Diyos na sa “takdang panahon,” wawakasan Niya ang pagdurusa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung gayon, kailangan tayong maging matiisin, anupat hinihintay na wakasan ng Diyos ang kabalakyutan sa kaniyang takdang panahon.


Iwasan ang paggawa ng padalus-dalos na konklusyon na sa paanuman ay gusto ng Diyos na magdusa tayo o na personal niya tayong sinusubok. Totoo na maaaring lumabas ang ating pinakamaiinam na katangian dahil sa pagdurusa at na sinasabi ng Bibliya na ang mga pagsubok na ipinahihintulot ng Diyos ay makadadalisay sa ating pananampalataya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tunay ngang maraming tao na dumaraan sa mapanubok at traumatikong mga karanasan ang lalong nagiging matiisin o mahabagin. Subalit hindi natin dapat isipin na kagagawan ng Diyos ang kanilang pagdurusa. Hindi isinasaalang-alang ng gayong palagay ang pag-ibig at karunungan ng Diyos. Malinaw na sinasabi ng Bibliya: “Kapag nasa ilalim ng pagsubok, huwag sabihin ng sinuman: ‘Ako ay sinusubok ng Diyos.’ Sapagkat sa masasamang bagay ay hindi masusubok ang Diyos ni sinusubok man niya ang sinuman.” Sa kabaligtaran, nagmumula sa Diyos “ang bawat mabuting kaloob at ang bawat sakdal na regalo”!—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Kung Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Kasamaan


Kung gayon, saan nagmumula ang kasamaan? Tandaan na may mga mananalansang sa Diyos—pangunahin na ang “tinatawag na Diyablo at Satanas, na siyang nagliligaw sa buong tinatahanang lupa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Inilagay ng Diyos ang ating unang mga magulang, sina Adan at Eva, sa isang sanlibutan na walang suliranin. Subalit kinumbinsi ni Satanas si Eva na mas mapapabuti ang kaniyang kalagayan kung wala ang pamamahala ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nakalulungkot, naniwala si Eva sa mga kasinungalingan ni Satanas at sumuway sa Diyos. Sumama sa kaniya si Adan sa paghihimagsik na ito. Ang resulta? “Ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao,” ang sabi ng Bibliya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Sa halip na sugpuin agad ang paghihimagsik na ito sa pamamagitan ng pagpuksa kay Satanas at sa kaniyang mga kampon, minarapat ng Diyos na pahintulutang lumipas ang panahon. Ano naman ang isasakatuparan niyan? Ang isa ay pangyayarihin nitong mailantad si Satanas bilang isang sinungaling! Pahihintulutan nitong matipon ang patotoo na ang pagiging hiwalay sa Diyos ay walang maidudulot kundi kapahamakan. Hindi ba’t iyan nga ang mismong nangyayari? “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Karagdagan pa, “ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang mga relihiyon ng sangkatauhan ay binubuo ng samot-sari at nagkakasalungatang mga turo. Bumaba ang mga pamantayang moral nang higit kailanman. Sinubukan na ng mga gobyerno ng tao ang bawat maiisip na anyo ng pamamahala. Nilagdaan nila ang mga kasunduan at pinagtibay ang mga batas, subalit hindi pa rin natutugunan ang mga pangangailangan ng karaniwang mga tao. Lumulubha ang kahapisan dahil sa mga digmaan.


Maliwanag, kailangan natin ang Diyos para mamagitan at wakasan ang kabalakyutan! Ngunit mangyayari lamang ito sa takdang panahon ng Diyos. Hangga’t hindi pa dumarating iyon, pribilehiyo nating suportahan ang pamamahala ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniyang mga batas at simulain na masusumpungan sa Bibliya. Kapag nangyayari ang masasamang bagay, maaaliw tayo sa mapananaligang pag-asa na buhay sa isang sanlibutan na walang suliranin.


Hindi Ka Nag-iisa


Gayunman, kapag personal tayong naaapektuhan ng pagdurusa, baka naitatanong natin, ‘Bakit ako pa?’ Ngunit pinaaalalahanan tayo ni apostol Pablo na hindi tayo nag-iisa sa pagdurusa sa kasamaan. Sinasabi ni Pablo na “ang buong sangnilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama hanggang ngayon.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang pagkaalam sa bagay na ito ay makatutulong sa iyo na makayanan ang pagdurusa. Bilang halimbawa, si Nicole ay nagkaroon ng emosyonal na trauma dahil sa pagsalakay ng mga terorista noong Setyembre 11, 2001, sa New York City at Washington, D.C. “Takot na takot ako,” ang pag-amin niya. Subalit habang binabasa niya ang mga ulat hinggil sa kung paano nakayanan ng kaniyang kapuwa mga Kristiyano ang trahedyang iyon, nagbago ang pangmalas niya.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. “Natanto kong hindi pala talaga ako nag-iisa. Unti-unti akong nakabawi mula sa aking kirot at pamimighati.”


Sa ilang kalagayan, isang katalinuhang lumapit sa isang tao na makakausap mo—isang magulang, may-gulang na kaibigan, o isang Kristiyanong elder. Sa pamamagitan ng pagbubulalas ng iyong nadarama sa isang taong pinagtitiwalaan mo, makatatanggap ka ng “mabuting salita” ng pampatibay-loob. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Naaalaala ng isang kabataang Kristiyano na taga-Brazil: “Namatay ang tatay ko siyam na taon na ang nakararaan, at alam kong bubuhayin siyang muli ni Jehova balang-araw. Pero ang isang bagay na nakatulong sa akin ay ang pagsusulat ko ng aking nadarama. Isa pa, ipinakipag-usap ko ang aking nadarama sa mga kaibigan kong Kristiyano.” Mayroon ka bang ‘tunay na mga kaibigan’ na mapagtatapatan mo? (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung gayon, makinabang sa maibiging tulong nila! Huwag kang matakot na umiyak o ibulalas ang iyong damdamin. Aba, maging si Jesus ay “lumuha” noon dahil sa nakalulungkot na pagkamatay ng isang kaibigan!—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Tinitiyak sa atin ng Bibliya na sa darating na panahon, tayo ay “palalayain sa pagkaalipin sa kasiraan” at magtatamasa ng “maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hangga’t wala pa iyon, maraming mabubuting tao ang maaaring magdusa. Taglayin mo ang kaaliwan sa pagkaalam ng dahilan kung bakit nagaganap ang pagdurusa—at na hindi na ito magtatagal pa.
 

Similar threads

Back
Top