Yes lahat ng tao kahit ano pa nais ng Dios maligtas, may chance na makarating sa langit ,malay mo baka palarin ka, gumawa ka lng ng mabuti sa buong buhay mo, malay mo ikaw ay makasama sa mga taong pinalad , masabi mo sa dakilang araw na iyon o mapapaawit ka nalang ng " So somewhere in my youth Or childhood I must have done Something good "
Mateo 25: 34 Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan: 35 Sapagka't ako'y nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom; ako'y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy; 36 Naging hùbád, at inyo akong pinaramtan; ako'y nagkasakit, at inyo akong dinalaw; ako'y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan. 37 Kung magkagayo'y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka? 38At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hùbád, at pinaramtan ka? 39 At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin? 40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.
Malay mo makasama ka sa mga taong yan na nasa verse
Gumawa ka lng ng mabuti sa lahat ng tao,Hindi mo nalalaman ang nagawan mo pala ng mabuti ay ang lingkod ng Panginoong Hesus, sinasabi ko sa iyo, di mawawala ang gantimpala sa iyo sa araw na iyon
Kahit napaka liit na kabutihan pa yan basta lingkod ng Dios ang nagawan mo ng mabuti, kahit pinainum mo lang , di mawawala ang gantimpala sa iyo, sinasabi ko sa iyo, ganyan kalawak ang pagliligtas ng Dios lahat ng paraan upang maligtas ang tao ay ginagawa ng Dios ,alam mo sa araw ng paghuhukom gagamit ang Dios ng awa para doon sa mga taong nagpakita ng awa.
James 2:13 Sapagka't ang paghuhukom ay walang awa doon sa hindi nagpakita ng awa: ang awa ay lumuluwalhati laban sa paghuhukom.
Yong verse na sinasabi mong the walking dead , hindi naman yan kagaya ng walking dead na kumakain ng tao