What's new

Bakit Pinayagan ng Diyos

ferdz67

Eternal Poster
Joined
Jul 15, 2018
Posts
1,132
Reaction
360
Points
327
2 Mga Hari 23,24
23 Mula sa Jerico, pumunta siya sa Bethel. Sa daan, may mga kabataang lumabas mula sa bayan at pakutyang sinabi sa kanya: “Umalis ka rito, kalbo! Umalis ka rito, kalbo!” 24 Nilingon niya ang mga kabataang iyon at sinumpa sila sa pangalan ni Yahweh. Mula sa kagubata'y lumabas ang dalawang babaing oso at nilapa ang apatnapu't dalawa sa mga kabataang kumukutya sa kanya.
(Bakit pinabayaan na mamatay ang mga bata?)

Taliwas sa mga sinasabi dito

Mateo 19:14
Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”

Kawikaan 13:24
Ang mapagmahal na magulang ay nagdidisiplina ng kanyang anak. Sapagkat kung mahal mo ang iyong anak itutuwid mo ang kanyang ugali.
 
Atheist na sagot:
Magkaiba kasi tlgang relihiyon ang diyos ng new testament at old testament. Magkaibang mga paniniwala at magkaibang moralidad. At sa totoo lang ang mga aklat na napapaloob sa Old Testament ay compilation ng mga aklat hango sa iba't ibang kultura na inadopt ng mga sinaunang hudyo. Kaya nga minsan makakakita ka dito ng mga pangalan ng mga diyos ng mga pagano gaya ni Baal at Asherah. Lalo na ang aklat ng Kings.

Theist na sagot:
Sadyang hindi kasi natin malalaman ang mga plano ng Diyos. Kung halimbawang may alaga kang punongkahoy, at pinipitas mo ang mga bunga nito upang makakuha ng buto para ipunla, kahit anong paliwanag, hindi ito magkakaroon ng sense para sa puno kung bakit mo ito "sinasaktan" sa pagpitas ng bunga. Ganoon din tayo mga tao sa mga gawa ng Diyos.
 

Similar threads

Back
Top