What's new

Bakit Napakatagal na Lutasin ang Isyu?

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423

Bakit Napakatagal na Lutasin ang Isyu?


MGA 6,000 taon na ang lumipas, walang isyu tungkol sa pagkasoberano ng Diyos. Sa katapusan ng kaniyang kagila-gilalas na mga gawang paglalang, “Nakita ng Diyos ang lahat ng kaniyang ginawa at, narito! iyon ay napakabuti.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nang magkagayon ay nagsimula para sa kaniya ang isang mahabang panahon ng “pamamahinga”; mangyari pa, hindi dahil sa siya’y napapagod. Kundi, siya’y nagpahinga sa paraan na kaniyang natapos na ang kaniyang mga gawang paglalang dito sa lupa, nagtitiwala na ang kaniyang mabuting layunin tungkol sa mga ito ay magiging isang lubos na tagumpay.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ano ba ang layuning iyon? Ang unang mag-asawa ay inilagay ni Jehova sa isang lugar na tinatawag na halamanan ng Eden. Ang kanilang unang-unang pananagutan ay pangalagaan ang kanilang malaparaisong tahanan, kasali na ang napakaraming sarisaring buhay-hayop. At, sila’y mag-aanak at magpapalaki ng mga anak. Pagsapit ng panahon, habang lumalaki ang kanilang pamilya, kanilang palalawakin ang Paraiso hanggang sa kadulu-duluhan ng lupa bilang pagsunod sa utos ng Diyos na ‘supilin ang lupa.’ Sa gayon, ang lupa balang araw ay magiging isang napakagandang tahanan, punô ng isang maligaya, nagkakaisang pamilya na naglilingkod sa kanilang makalangit na Ama. Iyan ang orihinal na layunin ng Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Si Adan at si Eva kaya ay makikibahagi sa katuparan ng dakilang layuning ito? Depende iyan sa kanilang patuloy na pakikipagtulungan sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang Maylikha. Ang kanilang pagsunod ay hindi bulag, di-iniisip. Sila’y binigyan ng kalayaang magpasiya, sapagkat ibig ng Diyos na sila’y maglingkod sa kaniya dahil sa isang pusong nagpapahalaga. Bilang isang nakikitang tagapagpaalaala ng kaniyang matuwid na soberanya, kaniyang binigyan sila ng isang simpleng pagsubok. Maliban sa isang punò sa halamanan sila’y maaaring kumain ng bunga mula sa anumang punò roon. Mayroon doon ng isang namumungang punò na tungkol doo’y sinabi ng Diyos: “Sa araw na kumain ka ng bunga niyaon ay tiyak na mamamatay ka.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang mga salitang ito’y nagsasabi na si Adan at si Eva ay hindi nilalang upang tumanda at mamatay. Ang kamatayan ay darating lamang kung sila’y susuway sa simpleng utos na ito. Kung si Adan at si Eva ay nanatiling masunurin sa Diyos, disin sana’y buháy pa sila sa lupa hanggang ngayon bilang mga magulang ng isang pambuong-daigdig na pamilya ng sakdal na mga supling.—Tingnan ang simulain na nasa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Gayunman, isa sa mga anghel na nilalang ng Diyos, ngayon ay tinawag na Satanas, ang naging mapamintas sa paraan ng pamamahala ng Diyos. Kaniyang hinimok si Eva na kumain ng ibinabawal na bungangkahoy, may kasinungalingang sinabi niya na sa paghiwalay sa soberanya ng Diyos, ito ay mapapabuti. Subalit, ang tunay na motibo ni Satanas ay ang hangarin na maging ang diyos ng inaasahang magiging pamilya ng sangkatauhan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Yamang binigyan ni Jehova ang unang mag-asawa ng lahat ng bagay na kailangan nila, dapat sana’y itinaguyod ni Eva ang kaniyang soberanya at tinanggihan ang bulaang mungkahi ni Satanas. Gayunman, nakalulungkot sabihin na siya’y nagpatuloy pa rin at kaniyang sinuway ang kautusan ng Diyos. Pagkatapos, pinili ni Adan ang sumama sa kaniyang asawa sa ginawa nitong mangmang na hakbangin. Sa gayon ang mag-asawang mapagsariling-kalooban, gayundin si Satanas, ay naghimagsik sa Diyos, at bumangon ang isyung may kinalaman sa soberanya ng Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kailangan ang Panahon Upang Malutas ang Mahahalagang Isyu


Maaari sanang pinuksa na ni Jehova ang tatlong rebelde noon din. Subalit iyan ay hindi lubusang makalulutas sa mga isyung bumangon dahilan sa kanilang paghihimagsik. Magagawa kaya ng tao na magtagumpay ng pamamahala sa kaniyang sarili nang hiwalay sa Diyos? Makatarungan ba na hilingin ng Diyos na pasakop sa kaniyang soberanya? Bukod diyan, dahilan sa iginawi ng unang mag-asawa, mayroon kayang mga taong walang pag-iimbot na ang pipiliin ay ang maglingkod sa Diyos udyok ng kanilang sariling malayang kalooban—kahit na kung subukin ni Satanas? (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kakailanganin ang panahon upang masagot ang mga katanungang ito. Mangangailangan din ng panahon na madaig ang mga epekto ng unang-unang paghihimagsik na iyan at matupad ang layunin ng Diyos na ang lupa’y gawing isang paraiso na tinatahanan ng isang sakdal na lahi ng sangkatauhan. Hinihintay pa rin natin ang pangkatapusang kalutasan ng mga isyung ito.

Kasuwato ng kaniyang batas, binawi ng Diyos kina Adan at Eva ang pribilehiyo na mabuhay magpakailanman. Sila’y hindi na karapat-dapat makibahagi sa katuparan ng kaniyang dakilang layunin. Gayunman, bago sila namatay, sila’y pinayagan na mag-anak at magpalaki ng mga supling. Totoo, hindi na maipapasa ni Adan at ni Eva sa kanilang supling ang masigla, sakdal na buhay. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Subalit kahit na ang mga salinlahing sumunod ay isinilang nang di-sakdal at nakatalaga sa kamatayan, marami ang nagkaroon ng pagkakataon na ipakita kung saang panig sila nakatayo kung tungkol sa dakilang isyu ng soberanya.

Paglutas sa Isyu


Papaano lulutasin ng Diyos ang mga bagay na ito na may kaugnayan sa kaniyang pagkasoberano? Sa isang diwa ang mga tanong na bumangon noon pa sa Eden ay nasagot na ngayon. Libu-libong taon ng kasaysayan ng sangkatauhan ang masaklap na patotoo na ang pamamarali ni Satanas na si Eva’y mapapabuti kung siya’y hihiwalay sa Diyos ay isang kasinungalingan. Ang pamamahala ng tao na nagwawalang-bahala sa Diyos ay patuloy na nabibigo. Gaya ng sinasabi ng Bibliya: “Dominado ng tao ang kaniyang kapuwa-tao sa kaniyang ikapipinsala.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sa kabilang panig, maraming mabubuting bagay ang napatunayan na sa loob ng mahabang panahon sapol nang magkasala sina Adan at Eva. Marami sa sangkatauhan ang nagpakita ng di-masisirang pagsuporta sa soberanya ni Jehova, ang pinakalitaw na halimbawa ay “ang Anak ng tao,” si Jesu-Kristo mismo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Yaong mga sumunod sa mga batas ng Diyos at kumilala sa kaniyang soberanya ay nakapagpatunay na ito ngang talaga ang pinakamagaling na paraan. Kanilang naranasan ang katotohanan ng kawikaan: “Ang pagpapala ni Jehova—iyan ang nagpapayaman, at hindi niya idinaragdag ang kapanglawan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Isa pa, salamat sa paglalaan ng pagkabuhay-muli, sila sa wakas ay makikibahagi sa katuparan ng dakilang layunin ng Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Hindi nalilimutan ni Jehova ang kaniyang orihinal na layunin. Yaong mga tumatanggi sa kaniyang soberanya ay hindi papayagan na panghabang panahon na manupil sa lupa, at ang Bibliya ay nagbababala na malapit nang kumilos ang Diyos laban sa kanila. Ating mababasa: “Ang poot ng Diyos ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat ng kasamaan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang napipintong pagpapahayag na ito ng galit ng Diyos, na tinatawag ng Bibliya na Armagedon, ay walang anumang duda na magpapakilalang siya nga ay umiiral. Tangi lamang ang mga tatanggap sa kaniyang soberanya ang makaliligtas sa kapahamakang iyon. “Ang mga matuwid ang siyang tatahan sa lupa, at ang mga walang kapintasan ang matitira rito. Ang mga balakyot, sila’y lilipulin sa mismong lupa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang Dakilang Isyu at Ikaw


Sa liwanag ng mga katotohanang ito, bawat isa sa atin—tulad ni Adan at ni Eva—ay kailangang pumili. Tayo ba ay mamumuhay na hiwalay sa Diyos? O tayo ba’y pasasakop sa kaniyang soberanya? Tandaan, ito ang pinakamahalagang isyu na nakaharap sa iyo ngayon. Ang mga ibang isyu, bagaman mahalaga kung wawariin, ay may kinalaman sa iyong kasalukuyang buhay. Ang isang ito ay may kinalaman sa buhay na walang-hanggan. Sa iyong pasiya nakasalalay ang iyong walang-hanggang kinabukasan.

Papaano mo maipakikita na tinatanggap mo ang soberanya ng Diyos? Sa pamamagitan ng masigasig na pag-aaral ng kaniyang Salita, ang Bibliya, at pagsisikap na sundin ang kaniyang kalooban kasama ng iba pang tunay na Kristiyano. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung gagawin mo iyan, magkakaroon ka ng maligayang pag-asa na makita ang katuparan ng dakilang layunin ng Diyos. Makikita mo ang katuparan ng kamangha-manghang pangakong ito: “Sandali na lamang, at ang balakyot ay mawawala na . . . Ngunit ang maaamo ay magmamana ng lupain, at sila’y lubusang masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Anong kahanga-hangang resulta para sa lahat na nagpapasakop sa soberanya ng Diyos! Anong napakainam na dahilan sa pagpapasiya nang may kapantasan sa pinakamahalagang bagay na ito!
 

Similar threads

Back
Top