Hindi mo alam ang sinasabi mo sir. At halata pong pareho kayo ng ugali ng lider mo
1) Una, hindi position ang tawag sa mga nangangasiwa sa isang congregation ng mga Saksi. Privilege yon. Kaya nga naalis siya sa privilege niya na yon e kahit anak niya ang nakagawa ng pagkakamali (malamang hindi pa nakabukod yung babae sa pamilya niya)
2) Pangalawa, kung nagawa man ng nabuntis mong saksi yung bagay na ginawa niyo, siguradong nasaway siya (o baka na-dis fellow pa nga) dahil don. Nagkamali siya at nagawa ang isang bagay na immoral kaya siya sinaway. Kapag natiwalag ang isang Saksi, hindi na siya kabilang sa organization ng mga Saksi ni Jehova. Isang bagay na malayong malayo sa lahat ng religion ngayon na nag-aangking "Kristiyano". Bakit?
Dahil kahit sa religion mo na Ang Dating Daan ddttamayo, na ang lider mo ay si Soriano, merong nakasampang rape case sa kaniya diba? Pero nasaway ba siya sa religion niyo? Hindi diba? Tumakas nga. Yan nga at halatang bilib na bilib ka sa kaniya hanggang ngayon at active parin siya sa religion niya. Diba po?
Yung mga member ng mga religion na "Christian" sa ngayon na gumagawa ng hinahatulan ng Bible, natitiwalag ba sila sa religion nila? Hindi. Hinahayaan lang. Kinukunsinti. Merong mga tinitiwalag kuno, pero sila lang yung mga umalis lang sa religion nila ng kusa
Hindi ibig sabihin na may isa (o ilan) na Saksi ni Jehova na nakagawa ng maling bagay, ibig sabihin non ay pareho na lahat o mali na yung religion na to. Kaya nga sila tinitiwalag pag talagang hindi nakikitaan ng totoong pagsisisi para mapanatiling malinis yung organization. Kahit noon sa 1st century christian, may mga gumawa ng mali kaya itiniwalag din sa congregation. Take note, buhay pa mga apostol non ha. Ibig bang sabihin mali na yung turo ni Jesus at mga christian noon dahil lang sa isa (o ilan) na gumawa ng mali at itiniwalag? Nope. Kaya sila tiniwalag dahil gumawa sila ng mali at walang pagsisisi at nadungisan yung pangalan ni Jehova. Ganon din sa amin sa ngayon. Yan ang pagkakaiba namin sa inyo at sa ibang religion dahil tinutularan ng mga Saksi yung kaayusan ng pagtitiwalag
3) Bagong mundo? Wala kaming sinasabing bagong mundo brow. Same earth parin ang sinasabi ng Bible, aalisin lang yung mga masasama. Pero same earth parin. Kaya hindi bagong mundo yan. Sa inyo diba lahat kayo sa langit mapupunta? Sama sama kayo ng lahat ng religion pala, kasi don din sila pupunta daw e?
4) Yes, yung iba dating masama ang ginagawa. Yung iba mga drug addict pa nga. Mga kriminal mismo. Yung iba sundalo. May mga naninigarilyo din. Pero nagbago sila nung naging Saksi ni Jehova sila. Kung meron mang 'pokpok' gaya ng sinabi mo, at kung meron man silang pinaglalabanan na kahinaan nila, gaya sa paninigarilyo, o sa example mo ay yung 'kati', pinaglalabanan nila yon na hindi na magawa uli. Pag nagawa uli yung maling bagay, babalik tayo sa #2 na sinabi ko. Yung karamihan ay napagtagumpayan nila yung maling gawain nila dati. Parang yung sinabi ni Pablo sa 1 Corinto 6:9-11. "Ganon sila dati" pero nagbago na sila. Kaya hindi mo pwede hatulan yung mga tao sa dati nilang buhay kung binago naman na nila yung maling gawain nila at itinama ang mga pagkakamali
5) Hindi kami nagmamalinis sa religion namin. Sinisikap ng mga Saksi ni Jehova na tularan si Jesus sa abot ng makakaya nila. Hindi ibig sabihin na may isa (o ilan) na nakakagawa ng mali, mali na yung buong organisasion ng mga Saksi ni Jehova. Ang mga miyembro nito ay mga hindi rin sakdal na tao gaya ng ibang miyembro ng ibang religion. Ang kaibahan lang, kinikilala namin si Jehova bilang Diyos na karapatdapat sa pagsamba (na hindi ginagawa ng lahat ng religion ngayon bukod sa amin dahil galit na galit sila sa pangalan na yan), at sinisikap naming ikapit ang mga napag-aaralan namin at gawin yung turo ni Jesus. At huli, ang organization ni Jehova ay malinis dahil sinusunod namin ang kaayusan ng pagtitiwalag gaya ng halimbawa sa Bible, na hindi ginagawa ng mismong religion mo at ng ibang religion sa ngayon.
Okay ba?