Share ko lang guys. Baka malinawan kayo dito if ever.
Meron akong identical twin. We are 24 years old. Both single and parehas nasa bahay kasi nga wala naman kami sariling pamilya even girlfriend.
Sya, mahilig sya manood ng mga conspiracy theories. He even believed na buhay pa si Noynoy kasi ayaw lang makasuhan or may tinatakbuhan lang na kaso or what so ever. So alam nyo na ang pinu-punto ko, marami syang napapanood and pinaniniwalaan about sa vaccine na puro YøùTùbé, tiktoks, anti vaxxers site, mga conspiracy shits na yan. So ayaw nya magpa vaccine.
I was vaccinated last June 1st dose, and July 2nd dose. Siya ayaw niya.
Dumating ang September 23, sabay kaming nawalan ng panlasa at first. Nakaramdam kami non nung uminom kami Royal, ang weird ng feeling namin kasi hindi man lang kami naasiman. Wala lang sa amin yon. Then the other day, nagsimula na syang lagnatin. Ako, panlasa palang ang wala sakin. 38.5 ang temp nya. 3rd day namin, nilagnat na rin ako. Grabe 39 agad and masakit ung buong katawan ko. Parang over fatigue na nag trabaho ako ng two whole day sa hotel (front desk previous job ko).
Yung parents ko pinadalhan kami ng mga vitamins like Immunopro, Vitamins C, and may isang antibiotic na color yellow, hindi ko lang alam ang tawag.
to make it short... on our 7th day, binawian na siya ng buhay. Ako, heto ngayon. Alive, but I'm dead inside...
Kaya guys. If you love yourself and people around you. Pa vaccine na kayo.