What's new

Closed Bakit Hinahayaan ng Diyos ang Kasamaan at Pagdurusa?

Status
Not open for further replies.

Arlertz

Eternal Poster
Joined
Jun 13, 2019
Posts
1,138
Reaction
379
Points
324
PAANO NAGSIMULA ANG KASAMAAN?
Nagsimula ang kasamaan sa lupa nang sabihin ni Satanas ang unang kasinungalingan. Dating perpektong anghel si Satanas, pero “hindi siya nanindigan sa katotohanan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hinangad niya ang pagsambang para lang sa Diyos. Nagsinungaling si Satanas sa unang babae, si Eva, at kinumbinsi niya itong siya ang sundin imbes na ang Diyos. Sumuway rin sa Diyos si Adan. Ang ginawang ito ni Adan ay nagdulot ng pagdurusa at kamatayan.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Nagsimula si Satanas ng isang rebelyon laban sa soberanya ng Diyos, o posisyon bilang Kataas-taasan, nang sulsulan niya si Eva na suwayin ang Diyos. Pumanig kay Satanas ang karamihan sa mga tao at tinanggihan nila ang Diyos bilang kanilang Tagapamahala. Kaya si Satanas ay naging “tagapamahala ng mundo.”—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.


DEPEKTIBO BA ANG PAGLALANG NG DIYOS?
Perpekto ang lahat ng gawa ng Diyos. Ang mga tao at mga anghel na nilalang ng Diyos ay may kakayahang sundin ang lahat ng kahilingan niya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nilalang tayo ng Diyos na may kalayaang pumili kung gagawa tayo ng mabuti o gagawa tayo ng masama. Dahil sa kalayaang iyan, may pagkakataon tayong ipakita na mahal natin ang Diyos.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


BAKIT HANGGANG NGAYON AY HINAHAYAAN NG DIYOS ANG PAGDURUSA?
Pansamantalang hinahayaan ni Jehova ang rebelyon laban sa kaniyang soberanya. Bakit? Para mapatunayang walang idudulot na mabuti sa tao ang pamamahalang hiwalay sa Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Matapos ang 6,000 taon ng kasaysayan ng tao, kitang-kita ang ebidensiya. Bigo ang mga tagapamahalang tao na alisin ang digmaan, krimen, kawalang-katarungan, at sakit.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Pero ibang-iba ang pamamahala ng Diyos; pagpapalain nito ang mga nagpapasakop dito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Malapit nang alisin ni Jehova ang lahat ng gobyerno ng tao. Ang mga tao lang na magpapasiyang magpasakop sa pamamahala ng Diyos ang maninirahan sa lupa.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.


HABANG NAGTITIIS ANG DIYOS AT HINDI PA DUMARATING ANG PAGHATOL NIYA, ANO ANG PAGKAKATAON NATIN?
Sinasabi ni Satanas na naglilingkod lang ang mga tao kay Jehova dahil may makukuha silang pakinabang. Gusto mo bang patunayan na hindi totoo ang bintang ni Satanas? Magagawa mo iyon! Habang nagtitiis ang Diyos at hindi pa dumarating ang paghatol niya, pagkakataon nating pumili kung alin ang papanigan natin: pamamahala ng Diyos o pamamahala ng tao. Makikita sa paraan ng pamumuhay mo kung alin ang pinipili mo.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


PAANO NATIN MAIPAPAKITANG ANG DIYOS ANG PINIPILI NATING TAGAPAMAHALA?
Maipapakita nating ang Diyos ang pinipili nating Tagapamahala kung sasambahin natin siya sa paraang itinuturo ng kaniyang Salita, ang Bibliya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) At para ipakitang tinatanggihan natin ang pamamahala ni Satanas, You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., gaya ng ginawa ni Jesus.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ginagamit ni Satanas ang kaniyang kapangyarihan para palabasin na walang masama sa mga gawaing imoral at nakapipinsala. Kapag umiwas tayo sa gayong mga gawain, baka insultuhin tayo o kalabanin ng ating mga kaibigan at kamag-anak. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kailangan nating magpasiya. Makikisama ba tayo sa mga taong umiibig sa Diyos? Susundin ba natin ang kaniyang kapaki-pakinabang na mga kautusan? Kung oo, mapapatunayan nating sinungaling si Satanas nang sabihin niyang walang sinumang susunod sa Diyos kapag may pagsubok.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Mahal na mahal ng Diyos ang sangkatauhan, kaya siguradong aalisin niya ang kasamaan at pagdurusa. Ang mga nasa panig ng Diyos na nananampalatayang gagawin niya ito ay mabubuhay nang masaya sa lupa magpakailanman.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Tignan din ang sumusunod na mga tanong:

Likas na mga Sakuna—Katibayan ba na Malupit ang Diyos?
Mga Kahatulan ng Diyos—Malupit ba ang mga Ito?
Alam ba ng Diyos na Magkakasala Sina Adan at Eva?
Bakit Nangyari ang Holocaust? Bakit Hindi Ito Pinigilan ng Diyos?
1102012190_univ_cnt_1_md.jpg


























Sapat na ang panahong ibinigay ng Diyos sa mga gobyerno ng tao para patunayang hindi nito kayang lutasin ang mga problema sa Sapat na ang panahong ibinigay ng Diyos sa mga gobyerno ng tao para patunayang hindi nito kayang lutasin ang mga problema sa mundo mundo

1102012190_univ_cnt_2_md.jpg

Makikita sa paraan ng pamumuhay natin kung ang Diyos ang pinipili nating Tagapamahala
 

Attachments

Last edited:
Simple paliwanag.
1.Dahil mahal tayo ng Dios parang pinagagalitan ng magulang pinapalo.
2.mahaba ang pasensya ng Dios mapagbigay ng pasensya.
3.Halimbawa nakapatay ka nadala ka ng galit ,kung hindi hahayaan ng Dios ang pagdurusa ng napatay mo edi aalisin ka na sa mundo papatayin ka na. Ganun yon kong hahayaan ng Dios lalabas wala syang pasensya mahal tayo ng Dios gusto nya lahat maligtas.
 
dun kasi tayu nasusubukan kung gaano tayo katatag sakanya
and plus hindi tayo robot..meron tayong freewill kaya kapalaran mo ay depende sayo
 
dun kasi tayu nasusubukan kung gaano tayo katatag sakanya
and plus hindi tayo robot..meron tayong freewill kaya kapalaran mo ay depende sayo
Doon sa freewill, tama yan, hindi tayo robot. Pero yung "dun kasi tayo nasusubok kung gaano tayo katatag sa kaniya", mali yan. Hindi ganyan ang tinuturo ng bible, dahil kahit mukang maganda yung ganyang kasabihan, ang totoo, sinisisi nila ang Diyos kapag ganyan. Hindi yan tinuturo ng bible :)
 
Simple paliwanag.
1.Dahil mahal tayo ng Dios parang pinagagalitan ng magulang pinapalo.
2.mahaba ang pasensya ng Dios mapagbigay ng pasensya.
3.Halimbawa nakapatay ka nadala ka ng galit ,kung hindi hahayaan ng Dios ang pagdurusa ng napatay mo edi aalisin ka na sa mundo papatayin ka na. Ganun yon kong hahayaan ng Dios lalabas wala syang pasensya mahal tayo ng Dios gusto nya lahat maligtas.
Hehehehe yan ba ang turo ng ADD sayo sir tungkol sa kung bakit ba hinahayaan ng Diyos ang pagdurusa? Lalo na yung #1 sa sinabi mo? Hmmm... Di na ko nagtaka 🤦‍♂️ 😅
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 5
    Replies
  • 868
    Views
  • 3
    Participants
Last reply from:
Arlertz

Online statistics

Members online
1,044
Guests online
3,938
Total visitors
4,982
Back
Top