What's new

Babae, inireklamo ang pinagkakautangan; mukha niya, pinatarpaulin matapos di makapagbayad

utang3.png

Inireklamo ng isang babae ang kaniyang pinagkakautangan matapos siya nitong ipahiya sa pamamagitan ng pagpapa-tarpaulin nito sa kaniyang mukha at ipaskil sa pampublikong lugar, dahil hindi siya kaagad nakapagbayad ng utang.


“Kilala n’yo bala ini? Siya si Gengerie Comprendio taga Brgy. Yawyawan Lemery, Iloilo kay may utang sa Natasha Lemery, Kag indi na macontact,” nakalagay sa tarpaulin.

Hindi naman ito pinalampas ni Gengerie Comprendio at nagsumbong sa programa ni Senador Raffy Tulfo upang ireklamo ang babaeng pinagkakautangan at nagpa-tarpaulin sa kaniyang mukha, na si Nelia Muico ng Natasha Lemery.


Ayon sa salaysay ni Gengerie, nagharap na raw sila sa barangay at nakiusap siya kay Nelia na bigyan pa siya ng kaunting panahon upang makapagbayad. Kinapos daw kasi siya.


Kaya hindi raw siya mahanap ay dahil lumuwas siya pa-Maynila upang humanap ng trabaho, at nang makapagbayad na siya sa utang.


Kahit na nabayaran pa raw ni Gengerie ang principal amount ng kaniyang utang na 800 piso, nanatili pa rin sa pagkakapaskil ang tarp. Hindi lamang pala siya ang pinagawaan ng tarpaulin kundi ang kapatid din nito at tinatakot pa raw umano ito ni Nelia.


Napag-alaman din na may patong na 5% interest ang utang ni Gengerie bawat araw kung hindi ito makapagbabayad.


Pinayuhan ng programa si Nelia na kung hindi pa ipababaklas ang tarpaulin, maaari itong makasuhan ng libelo at paninirang-puri.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Attachments

nakakatawa na nakaka bwisit yung gumawa nito,,napakaliit lang palang halaga ng utang,kala ko milyon,,pero kahit pa malaki,,hindi tama yung pagpapahiya sa kapwa,,
 
before pandemic ang daming balita tungkol sa mga taong may utang na hindi marunong mag bayad na hindi na sisikatan pa muli ng haring araw

pasalamat siya at public shaming lang inabot niya at hindi siya ipatumba
 
parang yung viral lang na bawal lumabas ni kim chiu
na kapag ikaw yung gumawa bawal pero kapag yung authority yung gumawa pwede during duterte admin napakaraming public shaming ang ginawa wala naman nakulong sa kampon niya

iba naman yun.

eto case ito nang mga citizen vs citizen and to be specific is nag print nang mga posters or flyers para sira-an yung isang tao.. meron man utang o wala, mali parin ito.
 
iba naman yun.

eto case ito nang mga citizen vs citizen and to be specific is nag print nang mga posters or flyers para sira-an yung isang tao.. meron man utang o wala, mali parin ito.
anung iba dun
kapag yung gobyerno ni prrd nag public shame against sa batas pero
wala sige lang tuloy niyo lang okay lang yan
pero kapag ikaw individual nag public shame it is outrageous?
tinapalan ka "hoy mali yan!"
dapat kang makulong
 
anung iba dun
kapag yung gobyerno ni prrd nag public shame against sa batas pero
wala sige lang tuloy niyo lang okay lang yan
pero kapag ikaw individual nag public shame it is outrageous?
tinapalan ka "hoy mali yan!"
dapat kang makulong

well out of topic na iyan sa thread na ito.

panahon pa ni Erap dati naalala ko na meron din nag lagay nang public shaming poster sa isang babae na meron utang, buti nalang mabait yung babae.
 
Back
Top