HAHAHAHAHAHHAHA ewan ba pero sobrang brainwashed ko nung INC pa ako. pero nagstart to nung hindi na ako naka attend ng Sta Cena dahil ini ignore na ako sa Kalihiman wala ng pumapansin sakin gusto ko lang naman itanong kung makakapag sta cena ako dahil ang dami ko na liban sa pagsamba. Hanggang sa umalis na ako. Imagine niyo na iniisip ko na blessing yung mga G ko, na galing yun kay Lord para may pang handog ulit ako the next pagsamba.
** talaga ayoko na! Even mga Kapilya ng INC walang naka Aircon siguro sa bahay ng ministro oo . Anyway I worked in Finance ( Pananalapi ) before. And kwento ko lang gaano kabrainwashed mga kapatid sa INC. So tuwing pasalamat (Thanksgiving) namin meron kaming target amount na dapat mahigitan. For ex. 600k last thanksgiving handugan namin, dapat maging 650k -700k yun this next Pasalamat. And first time ko mawitness pano nila pinipiga kami lahat sa pananalapi na punan yung amount na ganon kalaki para masabi na “SULONG” yung lokal namin ngayong Pasalamat,hindi isasara yung “total” hanggat hindi Sulong. So may pasalamat na nagbilang kami at need ng atleast 27k na amount na idadagdag para SUMULONG. Maliit lang lokal namin sa Province and walang wala po talaga mga pera tao sa amin minsan nakakaabot pa sa bahay mangutang ng pera and bigas, halos lahat kahit Gas utang. Eh yung Diakono na ito walang wala talaga pamilya niya. Nag-abot sya ng 1,000 tapos inipit niya na 100 pesos sa bulsa ng coat niya and ganito sinabi niya “Yan lang talaga sa akin ka * , yung 100 ko po pang ulam ko na lang bukas sa bukid” Jusko awang awa ako kasi alam mo talagang wala eh pero dahil brainwashed sya kaya ganon.
Lagi ganyan eksena tuwing nakikita namin sa kwenta kung uurong kami, kinakabahan na kami kasi saan na naman dadampot ng ganito kalaking amount eh walang wala naman mga kapatid sa lokal namin. Ganyan na talaga ginagawa sa loob ng INC. Hindi na bukal sa puso ang panghahandog sa Diyos. Sapilitan na. Kasi pag nabalitaan sa Distrito (. Main District ) na urong lokal namin pag uusapan kami (behind)(mahina). Totoo yan ******* subukan niyong INC kontrahin mga sinasabi ko. Pagpasok mo ng Kapilya tuwing sasamba ang bubungad sayo TH (Tanging Handugan) ( Lingap- every sunday ) ( P-9, Lagak) tapos pagHandugan pa pagpasok mo sa loob. Tapos buong teksto 70% puro handog ang leksyon. Ok pa sa Catholic eh may sense tinuturo ng Pari honest opinion lang talaga. Mas may kabuluhan pa lumalabas sa bibig ng Pari kesa sa Ministro.
Grabe pa kinikita ng INC sa Philippine Arena sa Bulacan pero walang lingap na nangyari sa mga Kapatid ng Iglesia hahaha. Ang dapat nililingap ng pamamahala ng Iglesia yung mga kaanib din dapat sa Iglesia dahil naghihikahos lahat sa buhay kakahandog.