What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Tutorial Aspiring häçkers - Linux Basics Part 2 (Creating Directories and Files)

Nicolandia15

Honorary Poster
Joined
Jan 12, 2016
Messages
581
Reaction
500
, Last edited:


Guide for Kali Linux Newbies
1. Getting Started
2. Creating Directories and Files
3. Managing Directories and Files
4. Networking Basics Part 1

Welcome back mga aspiring häçkers. Lol. Sa last tutorial I tried to discuss kung bakit importante ang Linux sa mga häçkers and kung paano ang structure ng directory system. Tiningnan din natin pano gamitin yung cd and pwd command. Ngayon naman tingnan naman natin kung pano mag change ng directory, pano makikita ang loob ng isang directory, pano gumawa ng files and directory and lastly pano sumigaw ng help sa terminal.

Let's get started: Fire up Kali!

Step 1: Cd (Changing Directory)

Pwede tayo mag change ng directory sa iba't ibang paraan gamit ang command na cd. Just like sa previous tutorial natin, gumamit tayo ng cd .. para mag move up one step from current directory kung saan man yun. Pwede rin tayong mag move directly sa gamit ang cd /.

Kadalasan kagaya sakin, ginagamit ko yung cd para makapunta sa isang directory by typing yung buong path ng directory. Then after that, type ko na lang yung name ng file or directory para makapunta ka dun without typing the whole path again. Gulo ko mag explain dba?

So by typing cd Documents/doggebuster. Mapupunta ako dun sa directory na yun.

Now kung gusto naman natin pumunta sa sub directory ng doggebuster. Hindi ko na kailangan i-type yung buong path ulit ng directory na yun. Just like this:

Nag type na lang ako ng dogge_bitme tapos napunta na ko dun sa directory na yun. Again di na kailangan i-type yung buong path.

Again, gusto ko lang i-emphasize na ang Linux is case-sensitive. So pag may mali kang tinype pwede kang makakuha ng result like "no such file or directory" Windows?

Step 2: Ls (Listing Commands)
Isa sa pinaka ginagamit at importanteng command yung ls or list. Ginagamit siya para ipakita or ilista lahat ng laman ng isang directory or sub folder. Para siyang dir sa Windows command prompt.



So nag type ako ng ls sa current directory natin under doggebuster at nakalista lahat kung ano man laman ng directory na yun. Sa Linux naman, pwede tayong mag modify ng commands gamit ang mga switches. Eto yung (-). Kung gumagamit tayo ng ls, isa sa mga useful na switch ay ang -a, ililista nito lahat ng laman sa subdirectory kasama mga hidden files etc. Tsaka -l, eto naman yung switch na ginagamit kung gusto mo ng lahat ng info tungkol sa subdirectory at mga files dito. Kasama na security permission, owner, size pati date kung kelan eto ginawa.

Kagaya nito:


Try ko i-cover yung security permission sa ibang tutorial, basta tandaan lang na kailangan natin ng execute (x) permission sa kahit anong file na gusto nating i-execute. Like for example nag download ka ng isang tool, you need to make sure na may permission ka para ma execute ito.

Step 3: Create a File (Touch)
Pag gumagawa naman ng file sa Linux, gumagamit tayo ng (touch) command. Di ko alam bakit ganyan pangalan pero ok lang astig naman tingnan. Try natin gumawa ng file sa current directory ko.

Type touch dogge_is_sick



Then check natin kung ano nangyari. Gagamitin pa din natin yung command na ls -la. Kung naalala niyo pa eto yung maglilista ng lahat ng file sa directory with great details.


Makikita natin na may bagong file na ginawa!

Step 4: Create a Directory (Mkdir)
Kagaya sa Windows, pwede rin tayong gumawa ng directory gamit ang make directory command (mkdir). Try natin:



Then alam mo na kung anong next diba? Check natin kung nagawa ba yung directory. Gagamitin ulit natin yung command na ls -la.



Are you getting the hang of it or wala ng nagbabasa nito.

Step 5: Getting Help (Man)
Naalala mo pa ba sa intro na tatalakayin natin pano sumigaw ng help sa terminal?
Sa Linux meron tayong command or utility na tinatawag na man. Man kasi manual siya ng halos lahat ng command sa Linux. Like kung nakalimutan mo kung para saan ang isang command. Type mo lang yung man then yung command at makikita mo ang manual ng specific command na yan kasama ang mga switches at arguments na kasama dito.

Kagaya nito:



Kagaya din ng ibang commands, pwede ka din gumamit ng -h or --help switch after ng command para makita ang "help" tungkol sa nasabing command. So try natin to sa "touch" , type natin yung touch -h or touch --help



And hanggang jan lang muna tayo ngayon sa tutorial na to. If hindi niyo pa nakita yung first part nito. Make sure to check this (First Part). Next tutorial mejo maging in-depth tayo ng konti. Thanks for reading.
 

Attachments

Ampot 17

Honorary Poster
Merong konting numbers po jan n solving pero mamememorize naman yung changing of permissions po kung saan octal po ginagamit if i recall
 
Comment

jenjuro

Addict
Madam. Salamat po talaga dito..

E re-recommend ko po ito tut na ito. sa mga friends ko na gusto din matutu ng Kali linux.
Salamat po at happy new year.
 
Comment

Online statistics

Members online
1,640
Guests online
1,728
Total visitors
3,368

Forum statistics

Threads
809,251
Messages
16,005,421
Members
1,434,709
Top