What's new

Help Artificial Intelligence

ZeinJi

Honorary Poster
Joined
Jan 18, 2020
Posts
137
Reaction
30
Points
141
Good Evening po. Itatanong ko lang po kung ano pong magangang example ng AI na ginagamit dito sa pinas. Yung pinaka-useful po na example. Salamat po.
 
By definition: Artificial Intelligence (AI) is machine-displayed intelligence that simulates human behavior or thinking and can be trained to solve specific problems.
Noong araw ay meron na yan na ginagamit sa games, calculators, virtual assistant, automation, at marami pa thru programming/software engineering, etc. Nahahati yan sa capabilities (from narrow, general to super AI) and functionalities (reactive machines, theory of mind, limited memory, self-awareness). Ongoing process yan hanggang ngayon.
Ang halimbawang nauuso ngayon sa Pilipinas ay depende sa industriya at pangangailangan:
1. Siri ( o personal assistant): Tinutulungan niya tayong makahanap ng impormasyon, binibigyan tayo ng mga direksyon (na tulad ni Waze sa pagalalakbay kung saan-saan), magdagdag ng mga kaganapan sa ating mga kalendaryo, tinutulungan tayong magpadala ng mga mensahe (emails) at iba pa.
2. Lazada at Shopee (o shopping app): Ang mga kumpanyang yan ay magaling sa paghula kung ano lang ang interesado nating bilhin batay sa ating online na paggamit at pagbibili.
3. Netflix (o movie app): Ang Netflix ay nagbibigay ng accurate predictions mula sa mga reaksyon ng customer sa mga pelikula. Sinusuri nito ang bilyun-bilyong mga rekord upang magmungkahi ng mga pelikulang maaaring magustuhan natin batay sa ating mga nakaraang reaksyon at pagpili ng mga pelikula.
4. ChatGPT (o chatbot): Ito ay isang AI chatbot na gumagamit ng natural na pagpoproseso ng wika upang lumikha ng mala-tao na pakikipag-usap o diyalogo. Endless ang possibilities pagdating dyan hanggat siya'y sumasagot sa ating mga gustong malaman. Ito yung kinagigiliwan ngayon mula nang magbigay ng free access ang OpenAI sa kanilang makabagong teknolohiya gamit ang machine learning at deep learning techniques para gamitin natin. Ang Google Bard ay isa rin ChatGPT service....

Sa mga halimbawang yan ay maiisip mo na yung iba pa gamit ang iyong celpgone, PC at iba pang mga devices sa loob at labas ng bahay ngayon.
 

Similar threads

Back
Top