What's new

Araw ng kasal, naging araw ng libing ng groom na namatay sa hika

1630906727514.png



Taong 2018 nang magplano silang magpakasal na ngunit hindi natuloy.

Kaya naman nagdesisyon silang ituloy na ito nito lamang Setyembre 2. Handa na sana ang lahat maging ang hinuhulugan nilang wedding rings sa loob ng dalawang taon.

Subalit noong Agosto 25, matindi ang atake ng hika kay James dahilan para hindi na niya ito kayanin.

Sinubukan ni Andrea na magpaalam sa simbahan kung maari pa rin silang ikasal ni James kahit pumanaw na ito subalit hindi na raw umano maaring ikasal ang patay sa nabubuhay.

Kaya naman sa araw na Setyembre 2, imbis na kanilang pag-iisang ****** ay paghahatid niya sa huling hantungan sa sana'y kanyang magiging mister.

Gayunpaman, isinuot pa rin ni Angela ang wedding dress niya sana at wedding ring sa pamamaalam kay James.

Narito ang panayam sa kanya ng ABS-CBN News:

Kamakailan, nag-viral din ang kwentong kasalan kung saan hindi inaasahang bumuhos ang ulan sa isang outdoor wedding.

Subalit imbis na itigil ang seremonya, mismong ang mga bisita ang nagdesisyon na ituloy ang kasal at hindi nila iiwan ang bride at groom.

Makikita sa kanilang larawan na basa ang lahat at matiyagang nakiisa masaksihan lamang ang pag-iisang ****** ng dalawang malapit sa kanila.
 

Attachments

Back
Top