What's new

Apply ng apply, still nothing happens

arsenal1205

Intel® Xeon® Gold
Contributor
Joined
Mar 13, 2018
Posts
35,166
Solutions
330
Reaction
129,284
Points
22,178
I'm two years employed sa tambay corp. "tambay" since before mag start ang pandemic. bago maging tambay, i'm a city hall employee.

during that time na may lockdown, sumubok ng online works. kaso nag aaply pa lang naiscam at naisahan na ako. fake employer takes me to an bullshit XYZ site ang galing pa kumausap parang propesyunal na recruter yun pala it's a trap to fraud and scams. she took my resume too. nandoon pa naman ang phone number at email ko. chilling effect: nahäçk na ang google account ko a year after. IDK maybe thats to blame. same story with my globe number that i had since 2016. nag deactivate ng kusa.

and last year almost nakabalik na ulit sa work kaso ibang gov't agency na which is TIEZA near MOA. but it's a GIP (government intern program) still sumasahod parin. ayaw ng nanay at ate ko because last year nag susumibol ang delta variant (August 2021) kasi mahaba haba ang commuting times ko unlike sa previous work ko. isang sakay na nandoon na ko. dito dami sakay ng jeep at trike. dahil diyan i was forced to quit my GIP sa TIEZA. nag swab test pa naman ako doon. at nakaclose agad ako ng mga ka workmates ko. una pa lang kami mag kita sobrang close na kami sa isat isa! Sayang, kung wala nga lang delta variant baka nandoon na ko hanggang ngayon.

and since after that apply ako ng apply online. may nag tatawag naman pero some of which mas malayo pa sa pinag applyan ko. kahapon nga may tumawag para kunin ako sanang IT specialist, kaso sobrang layo. kaparehas lang sa first work ko noong 2015.

ang dami ko ring inapplyan. mapa site man o sa job fairs. pati job fair na napuntahan ko noong june nag babakasakaling matawagan ako, walang natawag. niisa wala. dito pa naman sa lungsod namin yung companies na naaplyan ko. malapit lang IDK why bakit hanggang ngayon hindi nila ako tinatawagan. "Cursed" na ba ako sa mga companies malapit samin?

every weekdays walang tigil sa pag labas ng bunganga ng nanay ko na mag "send" bukang bibig na niyan ever since after kong grumaduate. tumigil nang nag kawork na eh kaso wala ulit since 2020.

Hindi tulad noong bago mag pandemya. halos kukulitin ka na ng mga employers na mag apply ka sa kanila thru phone. endless silang tumatawag! pero ngayon parang wala na.

Parang sa basurahan o kaya sa shredder na lang ang final destination ng aking mga binigyang resume.

Parang gusto kong dayain na ang resume ko kahit bawal o hindi tamang gawain. pekein ko na grumadwate ako lasale, UST or UP etc. college ko kasi hindi masyadong sikat. same na rin sa experiences ko paputol putol every 6 months. (BLAME THE BULOK MENTALITY OF FILIPINO HRs.)

this year bago na administration kahit sa lungsod namin. nakapag pasa na ng PDS sa city hall namin IDK kung uusad sa tamang landas. BTW hindi sa hr ko pinasa kundi taga mayor's office. may endorsement letter pa from a lawyer galing sa law office! sabay kami ng friend ko taga law office gumawa at nag pasa ng PDS.

aalis pa naman ang parents ko going abroad (kung nasaan ang mga kapatid kong may asawt anak na!!!, cause im 10 years younger than them!!!) later this year at hindi ako isasama sa kanila due to some restrictions. IDK baka greediness na rin (ng ate ko) 😖 hindi gawan ng paraan . dahil diyan nag mamadali ang nanay ko magkawork na ako.

goodluck na lang sa akin kung saan ako mapupunta. whether back again sa city hall samin. (more like it!) or sa private sector.
 
Last edited:
Graduate ka ba? if graduate ka try nyo po sa mga travel agency. may mga travel agency sa online jobs na need lalo mga chinese or hanap ka around binon or near area. as long as graduate ka malaki chance mo mahire jan kasi ate ko matagal na sa travel agency
 
Pray hard it works 🙏
been praying every night lodicakes. still parang nawawalan ako ng faith in praying :cry:

yes lodi graduate 4 years. hindi ako nag iintisk lodi hehe

ako nga 7 years na tambay, feel na feel ko pressure ngayun.
still parang walang nag prpressure sayo ng mag apply na unlike me yung nanay ko bukang bibig na niya sakin since 2015 after grad. then natigil from 2016-2020. then naulit ulit yung pag lilitanya niya since 2020.
 
meron at harsh pa at araw araw sermon, tapos sasabihin pa na walang kwenta yung career path ko. buti nalang talaga na natuto ako mag meditate at natutunan ko yung principles nang stoicism.
 
meron at harsh pa at araw araw sermon, tapos sasabihin pa na walang kwenta yung career path ko. buti nalang talaga na natuto ako mag meditate at natutunan ko yung principles nang stoicism.
mas masakit yung sasabihing walang kuenta ang career path. parang binale wala o pinag walang kuwenta na rin yung mga plano mo sa buhay lagi sasabihin nila "hindi maganda" "pangit lahat decisions"

Kailangan talaga ng kapit.
Kung pwede lang talaga tambay na rin ako forever.
kumakapit na rin kahit paano lodi. kung puede nga lang tambay forever... ganun din,,
 
Kung hindi palarin sa trabaho, why you don't try BUSINESS? If puhunan ang problema, Why you don't try from small capital? Always put in your mind.. "Mas mdaling hanapin ang piso sa isang milyong tao, kesa hanapin ang isang milyon sa isang tao". ✌️ 🤑
 
mas masakit yung sasabihing walang kuenta ang career path. parang binale wala o pinag walang kuwenta na rin yung mga plano mo sa buhay lagi sasabihin nila "hindi maganda" "pangit lahat decisions"

kumakapit na rin kahit paano lodi. kung puede nga lang tambay forever... ganun din,,

haha ayos lang yan, laban lang tayo sa buhay. hanggat my hininga my pag asa.
 
ako nga 7 years na tambay, feel na feel ko pressure ngayun.
Ako 5yrs na mag tambay may experience ako CSR for 1month nga lang mahigit ramdam ko ren ung pressure na un paran ang liit ng mundo ko sa loob ng bahay namen 😔

Gusto ko nga dayain ung experience ko na seasonal gawin kong 6months kaso nababahala ako baka tumawag kasi sa previous company eh desidido na ko mag ka trabaho talaga
 
meron din tawag ng tawag sakin sa Alabang, natatakot lang ako siputin HAHAHAHAHAHA
sana all may tumatawag na employer heheh
Gusto ko nga dayain ung experience ko na seasonal gawin kong 6months kaso nababahala ako baka tumawag kasi sa previous company eh desidido na ko mag ka trabaho talaga
same. problema ko din kasi yung mga previous works ko na hindi ko pa nakukuha yung certificate na nag work ako sa kanila. IDK kung kailangan pa niyan sa panahon ngayon..
wag na wag kang susuko TS,
I've Been there,
sa awa ng Dios, nag 1 year na ko sa pinapasukan ko.
haha ayos lang yan, laban lang tayo sa buhay. hanggat my hininga my pag asa.
true mga lodicakes parang kanta lang iyan ni bamboo, yung halleluiah
 
sana all may tumatawag na employer heheh

same. problema ko din kasi yung mga previous works ko na hindi ko pa nakukuha yung certificate na nag work ako sa kanila. IDK kung kailangan pa niyan sa panahon ngayon..

true mga lodicakes parang kanta lang iyan ni bamboo, yung halleluiah
Nakuha ko naman na ung COE kosa previous company ko na BPO kaso natatakot ulit akomag apply sa bpo ulit kasi parang hindi naman ako magaling mag English parang ganun basta ewan 😆
 
bawal mag resign kung wala namang lilipatan, you failed at quiting GIP, yun ang pinaka mali mo
 
Last edited:
Ify ts, Mag 1yr na ako sa august na tambay. Ang hirap maghanap ng work sobra. Kung meron man, malayo naman ang mahal pamandin ng pamasahe minimum 50 tapos probinsya pa ako🥺
 
Similar threads

Back
Top