What's new

Any Tips para hindi mabilis mahinhal mga Lods

Dlareg0193

Honorary Poster
Joined
Aug 10, 2018
Posts
367
Reaction
122
Points
143
Age
31
Any Tips mga idol para hindi mabilis hingalin sa long ride? ride safe mga idol
 
cardio lodi hahaha, wag mo biglain. unti untiin mo lang muna tapos pahirap ng pahirap na cardio habang tumatagal.
 
salamat Lodi new biker lang kasi ako sinama agad sa malayuan laspag na laspag pakiramdam ko buti nakauwi pa hehe need talaga practice muna.
nabigla siguro katawan mo lods hehe. need din pala mag warmup pala muna bago mag long ride para di mahirapan katawan mo.
 
Training talaga, every other ka magbike para makarecover muscles mo.
 
Iwas sigarilyo alak..
Saka GANyan naman po talaga pag baguhan pag bike talagang hingal kabayo ka pero pag nasanay na ndi na yan..

Sa umpisa lang mahirap talaga..lahat naman..
 
Paps pinaka effective tip, wag ka mag jabol 3 days before kung may ride ka.
 
Ganyan lng yan basta bagohan madali lng mahirapan. Time to time, mag e-emprove din ang cardio mo. Advise ko wag lng pabigla-bigla, sabihan lng kasama mo na baguhan ka para sila mag adjust sayo.
 
tama mga advise nila, ensayo lang


isa sa tip ko bili ka ng cyclocomputer or speedometer. kung wala download kana lang ng strava. bakit kamo?

para monitored mo yung distance ng ride nyo. at maari mo rin yun gawing chart or target.
halimbawa kinaya mo na ang 30km
next add ka ng 10km. so 40km dapat next ride mo.
or pwede ring short ride na ahon para, kahit mag long ride na hinde mo alam kung may ahon o wala ready ka.

pinaka the best nyan mamili ka ng kasama mo sa ride yung nag a adjust sa newbie at hinde mayabang na porke baguhan ka kakarerahin ka tapos iiwan.

Ride safe paps
 
Sa una talaga mejo hindi pa makasabay ang lungs mo.

Push your limits and then proper rest. Eventually masasanay ka din.

Malaking bagay din ung mabawasan ang load mo, aka "body weight" na kusa din nmn dadating 😅
 
Try mo bago lumarga half teaspoon baking soda halo mo sa 1 glass water at inumin. Super lakas ng feeling mo. Ginagawa ko ito dahil acidic ako tapos pansin ko hindi ako mabilis mag bonk.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Try mo mag laps sa moa una subukan mo mag 10km then balik ka try mo nmn ng 20km wlng pahinga bukod ung layo ng byahe mo from bahay to moa like me 10km from tondo to moa then spin ako ng 20km = 30km na un +10km pauwe bali 40km lahat then chill ride lng muna sa 1st 5km tas tutok ka na kung kaya mo tumakbo ng 30km/h maintaining goods yan
 
magride ka lang sa sarili mong pacing. At proper gearing rin sa pagkambyo. Saka more saddle time for sure makukuha mo rin yung sweet spot mo sa pagpadyak kung heavy gearer ka ba o light gearer kung san ka magiging komportable.
 
hindi newbie friendly ang kasama mo kung malayuan agad e alam na baguhan ka. training talaga ang susi jan. every other day ka mag bike para me recovery ang muscles mo.
 
tama mga advise nila, ensayo lang


isa sa tip ko bili ka ng cyclocomputer or speedometer. kung wala download kana lang ng strava. bakit kamo?

para monitored mo yung distance ng ride nyo. at maari mo rin yun gawing chart or target.
halimbawa kinaya mo na ang 30km
next add ka ng 10km. so 40km dapat next ride mo.
or pwede ring short ride na ahon para, kahit mag long ride na hinde mo alam kung may ahon o wala ready ka.

pinaka the best nyan mamili ka ng kasama mo sa ride yung nag a adjust sa newbie at hinde mayabang na porke baguhan ka kakarerahin ka tapos iiwan.

Ride safe paps
ok po ba yung strava na free?
 

Similar threads

Back
Top