What's new

Help Anong unang tinitingnan nyo sa specs ng smart phone?

honestly. halos lahat. pinag kkumpara lang talaga sa mga na ttipuhan na phone. budget at design nalang siguro ang mag kakaiba. since almost lahat ng phone ngayon. highspecs na
 
Based on my Experience, ang unang titignan mo bago ang characteristics ng Phone mo, ay:
• Kung ano ang Characteristics ang kailangan mo sa Cellphone na aking bibilhin, like Camera, Chipset, etc.
• Budget na kaya mong bilhin.
• Tagal ng latest CP na nai release.
• CP Reviews

Kaya need kong alamin kung ano yung pinaka need kong characteristic ng phone ko, dahil isa sa isang factor iyun upang makatipid ka sa pagbili ng iyong phone. Like, kaya ka bibili ng Phone na Midrange Phone dahil gusto mo na makapag laro ng ML na napaka smooth, at satisfied ka na sa Camera na iyong kinakailangan. Hindi kasi maganda na bibili ka ng phone na napaka lakas ang specs na hindi mo naman ginagamit sa iyong pang araw araw na pamumuhay, like bibili ka ng Mi 10T Pro para maging smooth ang laro mo sa ML lamang, or bibili ka ng Poco X3 para manood ka lang ng Anime. Which it means, nakakapanghinayang naman talagang bumili ng ganun.

Kung sa budget naman ang pag uusapan, need mo talagang mag hangad ng Cellphone na kaya talaga ng Budget mo. Need mo ding pag ipunan ang Cellphone na iyong bibilhin. Kung hindi sapat ang budget mo, saka nalang muna na bumili ng bago.

Kung ang tagal ng pag release ng Latest CP na nai release ang pag uusapan, mas maigi na din na mag hintay ka muna ng panibagong release na CP na kasing presyo ng napag ipunan mo bago ka bumili. Nakakapanghinayang din na bumili ng CP kapag nakabili ka naman ngayon, but magkakaroon na ulit ng panibagong release ang isang manufacturer ng CP in a next few days only.

Last thing na need mong tignan ay ang Reviews ng CP na iyong bibilhin, lalo na kung bagong release lang pala ang CP na iyon. Need mo munang matukoy ang talagang functionality nun bago ka bumili nun para hindi ka magsisi sa huli.
 

Similar threads

Back
Top