What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Anong Masasabi Nyo Sa Pamamalakad Ni Duterte?

criptalista

Journeyman
Joined
Aug 8, 2015
Messages
87
Reaction
63
Age
30
Para sakin kasi na laki sa mataong lugar almost squatter area (Pero hindi sadyang matao lang talaga). Naalala ko ilang beses na kong napagtripan sa daan at nahablutan ng gamit. Pero since naging presidente si Duterte nag iba ang lahat sa lugar namin. Yung dating puro adik na nakatambay sa kalsada at nag titrip ng mga dumadaan wala na. Unang month palang ni Duterte ilang adik na agad ang tinumba sa lugar namin including mga tulak ng drugs. Oo alam ko tao din sila may karapatan silang mabuhay pero kung makikita mo kung gaano sila ka cancer sa lugar namin eh ikaw mismo ang magsasabi na Tang Ina dapat dito mamamatay na sobrang daming piniperwisyo. Ngayon may iilan nalang na mga adik sa lugar at nakikita kong nagbago na sila bihira na rin nakatambay sa gabi di na rin ako nakakabalita ng snatching sa lugar namin. Linyahan pa nga ngayon ng mga adik samin pag naririnig ko eh "Saka na ulit ako gagamit pag di na si Duterter presidente". Madami ng nagdaang Presidente ng pinas pero kay duterte ko lang nakita yung totoong pagbabago. Oo may mga pagkakamali lahat naman ng naging presidente may ganung issue eh pero yung mararamdaman mo yung pagbabago bihira yun kaya naman saludo ako talaga sa kanya.

-Share ko lang nararamdaman ko hahaha, Wala kong pake kung wala kayong pake-
 
ledin

Established
Totoo naman, lods. Naiintindihan ko pinanggagalingan mo. Talamak sa lugar mo ang droga kaya no'ng medyo nalinis 'yon, nakaramdam ka ng pagbabago. Droga kasi ang focus niya. Pero kailangan kasi nating tandaan na hindi lang mga adik ang problema sa bansa. Marami pang iba at medyo pumalya ro'n pero marami pa naman siyang oras para ayusin 'yon at sana nga talaga e mapagtuunan din.

Masasabi kong medyo hindi patas ang pamamalakad niya. Best example dito ay yung issue tungkol do'n sa police chief at mga kasamahan niya na lumabag sa quarantine regulations. Nasa posisyon sila at lumabag sila pero hinayaan lang at binack-upan pa. Kung normal na mga tao lang sila at wala sa pwesto o di kaya'y nasa oposisyon, malamang sa malamang hindi gano'n ang eksena. Dito pa lang kitang-kita nang may palakasang naganap. Bilang isang lider, hindi dapat kumikiling. Hindi naman pwedeng sabihin na "law is law" tapos may exception pala.
 
Comment

Gaya nga ng sabi ko sa bandang huli ng Post ko tol. "Oo may mga pagkakamali lahat naman ng naging presidente may ganung issue eh pero yung mararamdaman mo yung pagbabago bihira yun kaya naman saludo ako talaga sa kanya."
 
C
criptalista
Wala namang problema sa sagot mo tol inexplain ko lang rin yung side ng post ko :)
 
Drug war? good.
Others? very meh!

wag mo sobrang saludohin na hindi mo na kayang i criticize yung mga mali nya.

"ilang adik na agad ang tinumba sa lugar namin"
yan pa lang, moral crisis na, kung talagang makatao ka, medyo ok yung mga nag tutulak itumba pero hindi ok na patumbahin mo yung mga adik dahil sila mismo ay bikitima.
 
Comment

criptalista

Journeyman
"ilang adik na agad ang tinumba sa lugar namin"
yan pa lang, moral crisis na, kung talagang makatao ka, medyo ok yung mga nag tutulak itumba pero hindi ok na patumbahin mo yung mga adik dahil sila mismo ay bikitima.
Ganito kasi yan tol. Ilang tao ba ang biktima ng mga adik? mga taong nagttrabaho lang ng malinis tulad ko. tapos bigla kang hoholdapin para may ipang gamit sila. Di mo pwedeng sabihing biktima sila dahil after naman may mga mamatay nagsihinto sila sa gawain nila meaning kung walang ginawang tokhang same old same old parin galawan nila.

Pwede mong sabihin di ako makatao, OO pag dating sa mga adik at tulak, pero makatao ako sa mga hindi adik na namumuhay ng maayos at ang gusto lang eh disiplinadong paligid na ginagalawan.
 
1 Comment
E
Euron Greyjoy
hindi lahat ng adik mamamatay tao, ung iba nasa gobyerno lol
 
, Last edited:
Ganito kasi yan tol. Ilang tao ba ang biktima ng mga adik? mga taong nagttrabaho lang ng malinis tulad ko. tapos bigla kang hoholdapin para may ipang gamit sila. Di mo pwedeng sabihing biktima sila dahil after naman may mga mamatay nagsihinto sila sa gawain nila meaning kung walang ginawang tokhang same old same old parin galawan nila.

Pwede mong sabihin di ako makatao, OO pag dating sa mga adik at tulak, pero makatao ako sa mga hindi adik na namumuhay ng maayos at ang gusto lang eh disiplinadong paligid na ginagalawan.
kung pag patay yung solusyon mo, hindi yan tamang hustisya
may nakatala na proseso para diyan
holdaper? kulong
magnanakaw? kulong
pumatay? kulong, habang buhay pa yan ha
pero yung mga EJK? ok lang? sigurado ka ba na yan dapat ang pananaw natin lahat sa buhay na lumabag sa ilang batas?
tumahimik nga buhay mo, pero wala ka ba talagang guilt na masaya ka dahil may namatay, kahit merong tamang proseso sa pag parusa sa kanila?
biktima sila ng buhay na hindi nila ginusto.
biktima ng pusher at pagkukulang sa edukasyon.
maraming namimiktima, pero hindi lahat adik.
adik lang yan, pwede yan mag bago at sumaya sa buhay tulad natin.
 
Comment

criptalista

Journeyman
kung pag patay yung solusyon mo, hindi yan tamang hustisya
may nakatala na proseso para diyan
holdaper? kulong
magnanakaw? kulong
pumatay? kulong, habang buhay pa yan ha
pero yung mga EJK? ok lang? sigurado ka ba na yan dapat ang pananaw natin lahat sa buhay na lumabag sa ilang batas?
tumahimik nga buhay mo, pero wala ka ba talagang guilt na masaya ka dahil may namatay, kahit merong tamang proseso sa pag parusa sa kanila?
adik lang yan, pwede yan mag bago at sumaya sa buhay tulad natin.
Saka mo sabihing adik lang yan pag may nagawa ng malalang krimen.

Tsaka di ko sinasabing di sila pwedeng magbago. Basahin mo post ko eto sabi nila
"Saka na ulit ako gagamit pag di na si Duterter presidente"
Nagbago na nga lahat eh kailangan lang talagang may masampolan.
 
P
Planet Galileo
Bigyan mo naman kami ng solusyon kung pano matalo yan
 
Justareader2

Enthusiast
Style lang nya yan gyera para maduwag kayong ilaban ang karapatan nyo, ...makikipag gyera nga sa Canada diba pero pag China ginagawang panakot ang gyera?
 
1 Comment
1
1trixie1
marunong lang po magtantya ang pangulo alam nya na hinde tayo seseryosohin ng Canada pero kapag China na ibang usapan na po yun kasi mainitin po ulo ng China at baka patulan tayo.

sinabi na po no du30 na diplomatic lang talaga ang kaya ng Pilipinas at agree po ako doon dahil wala tayong kakayanan makipagdigma kahit kaninong bansa sa atin pa nga lang di maubos ubos npa at abusayaff makipaggyera pa sa china?
 
kazumi08

Established
Double daw production ng droga after ni duterte ahahaha.. laki luge ng mga drug lord sa pinas... Ahahaah lol...
 
Comment
satisfied po ako kay presidente hinde po perpekto,
pero isipin nyo na lang kung si Roxas nanalo? yung nagtratrapik na lalong nagpalala ng trapik na kumakain daw sa plastik na plato at baso... eh di sana hinde nabawasan mga durugista sa pinas.

pano kung Poe? yung nagsisimba na pinapalibutan ng camera? ewan ko na lang kung anong magagawa nya eh parang kulang pa sa experience.

kaya nanalo si Du30 kasi wala namang matinong kandidato noon. kaya kahit hinde nyo gusto si du30 eh maghintay po kayo ng next election dahil wala po kayong magagawa dahil sya ang binoto ng majority.
 
Comment

Eseru

Elite
Sakin, I used to like him. Lalo nung una, pabor ako dati dun sa mala 'kamay na bakal' na theme nya, pati yung War on Drugs nya. Even yung minsan wala nang sense na pagmumura nya or pag atake sa kung sino man yung nag criticize or may nasabi na ayaw nya, pinagkikibit balikat ko nalang. Baka yun yung quirk nya. And yun na rin siguro yung charisma nya, unlike from the previous presidents, na almost always mum against their adversaries/critics, and kung mag-release man sila ng statement, dumadaan muna lagi sa secretaries or spokesperson/s para foolproof lahat. Si current president, makamasa yung dating. Previous ones, uuhm.. can't find the right word, pero ano, kung baga, mahirap maka relate yung mas naka raraming voters.

Then the fire nation came. JK

But then ayun nga, nagka bisu biso na, from yung sa usapin about Pagasa shoal to his response sa COVID, and lalo na yung mga na appoint nyang tao sa different sectors ng gobyerno. Plus yung war on drugs pa, na siguro sa Manila or sa more known places na talamak yung drugs, siguro bumaba yung users. Pero dito samin, medyo pa bundok na, mas dumami or mas naging active yung users and dealers, sure nung panahon ng previous president, meron mangilan ngilan gumagamit ng MJ, mostly high school students na naliligaw ng bahagya ng landas. Pero nung si current president na, Meth na yung laganap.

Nalimutan ko na kung san libro ko nabasa dati, pero sabi dun, a King (Good Leader) doesn't need to be the strongest, not the most intelligent, nor the richest. A King (Good Leader) needs to be the best in finding the right people for the key positions in their government.

Kahit pa napaka galing nya dapat na sana na leader, wala rin mangyayari kung pipilitin nyang sya lang yung nagiisip and nagte-take ng action, mapapagod lang sya and then manghihina, and sa huli, wala syang natupad or walang goal sya na si-net, na na-achieve. Wala din mangyayari kung yung mga in-appoint nya na sub leaders and advisers eh mga palpak. Kita mo nalang yung current secretaries or heads ng different sectors natin ngayon na appointed nya, halos lahat, may problema, or issues na mapapakunot noo ka nalang and face palm, lalo na yung mga statements na niri-release nila.

For me, ayun yung pinakamalaki nyang fault as a leader.
 
Comment
As of Aug 2020
Duterte's Strength is patriotism while
Weakness is dependence niya sa mga officials kahit dapat palitan katulad ni bobong Harry Roque hindi parin pinapalitan.
 
Comment

k4rm4

Established
He really hate WEST and love CHINA.

Maganda naman ang ginawa niya sa pagtatanggol sa sovereignty ng Pilipinas against US/EU. Pinaglaban niya talaga yung drug war na talagang tinutulan ng US/EU. But nung tinaboy-taboy ng Chinese authorities yung mga fisherman sa Zambales? He can't even say something bad about China. I wonder why?
 
Comment

Online statistics

Members online
1,318
Guests online
1,184
Total visitors
2,502

Forum statistics

Threads
807,796
Messages
15,978,363
Members
1,433,998
Top