Ano po ba ang goal mo kung bakit mo gusto mag IT or Comsci? gusto mo ba gumawa ng games, application, website? Ako po ay comsci graduate, ang dahilan kukng bakit ko kinuha yan, kasi gusto ko lang matuto gumamit ng computer,at di ko alam ang lawak pala ng course na kinuha ko. Para sa akin kahit IT o ComSci okay lang sa akin kahit alin sa dalawa na yan, pero sa school na pinasukan ko ComSci lang ang available, kaya yun ang kinuha ko, ang kaibahan lang nila, Sa IT may Major, example major in "System Development" sa ComSci wala. Pero kahit walang major ang ComSci, okay pa din, kasi nasa Student yan ang pag improve ng skill, kasi sa pag ka gradute mo doon pa lang mas maiiprove yung skill mo. Pag ka graduate ko, nag self study ako para maka gawa ng mga web apps, sa school kasi puro mga algorithms ang itinuturo, at yun ay okay lang kasi yun ang building blocks ng programming, may ilan na nag rereklamo kasi may mga school na di daw nag tuturo puro research daw, sa field ng I.T lalo na sa programming halos karamihan ng tanong mo, sa google masasagot. Kaya improve mo yung research skills mo kasi isa yan sa pinaka importante, bale yan lang muna mai papayo ko. Mag set ka muna ng goal at mag research kung ano gusto mo, pero wag madali sa pag hanap ng kung ano gusto mo, mag try ka ng madaming bagay para malaman mo kung ano gusto mo, try graphic design, programming, pag develop ng website or pag gawa ng mga games, kung di mo pa alam kung pano gawin yan okay lang din, research ka muna, kung ano ang mga yan. Ako nga after ng graduation ko doon ko lang na discover kung ano ang gusto kong career at yun ay ang web developer.