Subject pala ito? hahabasta ang pagkakaintindi ko dyan it makes your code shorter, unique and easy to call out... pero ewan haha nabobobo rin ako sa subject ko na yan
Ah oo nga lalong hahaba eh mag katulad namanParang gumagawa ka ng qualities ng isang bagay na may kapareho sa ibang bagay. Kasi hindi ideal na ico-code mo yung pareho naman di ba? Magiging redundant yung code mo ang hahaba lang lalo yung lines ng code. Dyan na papasok yung OOP(object oriented programming), gumbaga gumagawa ka na agad ng qualities ng isang model(bagay), at ito ay gagamitin mo sa ibang model para hindi nagiging redundant yung code at mas mapaikli yung lines of code.
Sa totoo lang di ko pa sya tinatry ahm. tinary ko pala sya sa C++ may napanood akong tutorial sa yt tapos napapaisip lang ako after na nakagawa ka na ng isang objectang halaga nyan sa programming is pwede mo ma combine ang code at data mo sa isang container at isolated lang sya dun, so effect nun less ung dependency nya sa ibang part ng code mo kaya madali sya i combine sa next program na gagawin mo, o madaling gamitin ng iba, importante kasi yan sa programming, i minimize mo ung effect nya sa ibang part ng code, for maintainability purposes or easy testability of code.
cguro analogy nyan para madaling maintindihan(at least for me) is imagine mo real world object (tangible object) yung ginagawa mong software, halimbawa sa enrollment system, ano ba ung mga object na maisip mong part ng real world na enrolment system, dba mga students, mga staff, teacher, database, subjects, grades etc. bale gagawan mo yan sila ng isang container(bawat object) na andun ang kanilang characteristics tsaka actions, i coconvert mo yan sa software equivalent nila, then igagaya mo ung behavior nila like in the real world sa software version, then you define their relationship and apply mo ung mga steps na ginagawa nila, just like how they behave sa real world system.
di mo maiiintindihan agad yan unless gamitin mo lagi and actually pwede ka naman makagawa ng program kahit di gagamit nyan pero okay sya aralin/beneficial sya sa ating mga programmers kasi mga most used programming language ngayon eh ni design having that architecture (java, c++, c#, etc). So pag di mo ginamitan ng style na yan ung program mo, maaring di mo ma maximize ung paggamit ng programming language.
i say don't use it unless you need to, try mo muna magcode ng walang halong OOP, then pag master mo na, try mo apply si OOP makikita mo sa sarili mo baket sya need.
pero sa totoo lang nakaka gets nako ako ng mga basic dahil na try ko aralin yung c++ nasubukan ko mag code dun. Oops Teka lang parang ngayon ko lang narinig yan algorithm structure nayanif you are still new to programming TS i ignore mo muna yung OOP focus on the algorithm and how you convert that to code, data structures & ung mga foundation concepts, ito ung part sa programming na kelangan gets na gets mo na isang concept bago ka pumunta sa another, prerequisite kumbaga, maguguluhan ka kasi pag di mo master ung previous concept.
Ano ba halaga neto? diko talaga maintindihan nag sesearch ako sa google di ako masyadong nakakaintindi ng english
Para saan ba to OOP at paano maintindihan sa madaling salita? Pa help naman po sa mga marunong at Lubos na naiintindihan ito
bago lang poko dito salamat sa sasagot sana meron sumagot haha
We use cookies and similar technologies for the following purposes:
Do you accept cookies and these technologies?
We use cookies and similar technologies for the following purposes:
Do you accept cookies and these technologies?