What's new

Help Ano pakiramdam pag sanay ka na sa lungkot

Peash00ter

Forum Guru
Elite
Trinopa na talaga ako nang kalungkutan.
Normal lang siguro di ka na maiyak lalo kung sanay ka na maging malungkot😔
Gusto ko ilabas nararamdaman at humagulgol sa iyak, kaso di na lang masasayang lang din pagod ko.
Wla din naman mangyayari kung iiyak na lang, ganun pa din naman ang nararamdaman, ganun pa din kataas ang kalungkutan. Di ko mawari ang nararamdaman ko. Pag iniisip ko lang lalo ako naiistressed samahan pa ng mga problema.
Siguro nasanay na lang talaga sa sakit at lungkot.
Walang araw na di dumadapo ang lungkot sakin at pakiramdam ko eto na lang tlaga at wala nang hangganan, wala na katapusan, higit sa lahat nakakapagod
 
Last edited:
Ang pakiramdam nyan ay madalas wala ka ng pake sa nararamdaman ng ibang tao ang iniisip mo na lang ang sarili mo. Sa totoo lng blangko ang isipan ko nitong nakaraang buwan naiinis ako kung bakit humantong ako sa ganitong sitwasyon. Gusto kong solusyunan ang problema ko pero di ko alam kung saan ako magsisimula. Alam ko kailangan tulungan ko rin ang sarili pero kung sino man may gusto na sapakin ako paki sapak nga ako para magising ako sa katotohanan. 😣
 
Ganyan nangyayari sa akin pag nagsobrahan ng pagjaJ*k*l. Subukan mo wag magJ*k*l maski 1 week lang ts magiging optimistic ka sa buhay.
 
pag nasanay kana sa kalungkotan nakakatakot maging masaya baka kasi iwan kalang din nung taong nagpapasaya sayo o kaya naman pag malungkot ka tapos sumaya ka maya maya wala na parang normal nalang ulit kumbaga eh sumasaya ka pero pansamantala lang
 
Marami tayo TS. di ka nag iisa ganyan ako lagi. Ginagawa ko minsan nood ako kay Ozzy man reviews sa fb or yt or minsan naman nakikinig ng mga happy songs. Minsan din nag iinom mag isa kaso paggising malungkot lang ulit, paulit ulit. Pero ang pinaka effective na nakakawala sa kalungkutan ko ay pag Rides yung solo lang ako punta sa kung saan saang lugar na di ko pa napuntahan.
 
Kung pera ang dahilan ng kalunkutan mo madami tayu dyan!
Pero sa paki sapak ako para magisingbako sa katotohanan ts paghandaan mo muna ang katotohanan kasi kahit talian ka pa sa paa tapos hilahin ng motor yun tali n makakabit sa paa mo ha ts.
Kung ayaw mo talaga ng katotohanan eh mabubuhay ka talaga sa lungkot. Pa surrender na lang kasi yung felling na gusto mong eh letgo kay god yun lang
 
kapag nasanay ka na sa lungkot mapapansin mo masasanay ka na at makakamove-on ka na sa sitwasyon kumbakit ka nalulungkot, oftentimes natatanggap mo na yung sitwasyon mo na hindi mo maiiwasan yung ganung klaseng kalungkutan,
 
Hay mahirap talaga maging malungkutin. I'm also suffering from mild depression na kahit sa iba masaya na sakin parang wala lang. I had thoughts of ending my life before pero naiisip ko family ko at ayaw ko maging malungkut sila. Nawala lang pagka roon ko ng suicidal thoughts when my younger brother passed away last year and I saw how devastated my family were and still to this day because of that, so since then I have never entertained having bad thoughts in my mind and I've been finding ways to appreciate life and fulfilments. Also, I made sure to cherish my days around my family and friends and never have I forgotten to tell my parents, siblings and my own family how much I love them. Kaya ikaw ts maghanap ka mapag lilibangan or emerse yourself with things or people that will make you happy.
 
Manhid ka na nun. Parang tanggap mo na lahat ng bagay sa paligid mo ay mali. Yung wala ka ng iuunlad pa, na napaglalaruan ka ng tadhana. Against lahat ng pagkakataon sayo at down ka lagi.. Negatibo lahat pati mga nagmamahal sayo pinagdududahan mo na..

Ang da best po pagnagsuffer ka ng ganitong truma. Acceptance lang kasi mas madami pa din ang mas mabigat pa pinagdadaanan kaysa satin...

Yan napagdaanan ko pero pagtanggap mo hanggang dun ka na lang at maging masaya ka lang. Isa-isa babalik tiwala mo sa sarili mo. Tayo naman ang dapat manghusga sa sarili natin hindi ang iba..

Panigurado mas malayo pa mararating mo pagnatanggap mo na kung ano lang meron ka.
 
AN OVER THINKER I SEE.. as in introvert boss papi eto lang share ko pov ko
sadness is nothing lalu na kapag nasanay kana sa mga ka shitan ng buhay.

mahirap maging inggitero lalu na kung surrounded ka ng mga super successful person sa paligid.
mahirap maging hindi sporty lalu na kung hindi ka pala exercise or mahilig sa sport.
mahirap maging hindi maganda/gwapo kung ikaw mismo hindi ganon ka gwapuhan/kagandahan.

as an introvert mas maiging i divert yang mga yan sa mga things na ineenjoy ko.
simple things. coffee. gardening/ talks about pets gaming (hindi yung mga dede streamer ah)

nag uunfriend na din ako ng mga tao sa FB ko lalu na yung nga
TOXIC POSITIVE persons and yan ang mga dapat mo iwasan nakooo GG mental health mo jan papi!!.
i also unfollow persons na mga kakilala ko pero i keep them as contacts to my FB.
 
Back
Top